koo jungmo's
Pumunta na ako sa sinasabing kitaan namin sa mall nung kadate ko kuno raw. Walang hiya kasi 'yun si Hyunbin, kung kani-kanino na lang ako binibigay.
Pupunta na lang ako siguro tapos sasabihin ko may emergency para kahit papano mukha pa rin akong mabait hehe.
Pumasok ako sa The Coffee Bean & Tea Leaf kasi sabi ni Hyunbin dito raw kami. Humanap ako ng upuan, kilala naman ako siguro nun kaya lalapit na lang sa akin 'yun, panigurado. Maglalaro muna ako sa phone ko.
"Jungmo?" Umangat 'yung tingin ko dun sa babae.
"Audrey? Ano ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw? Ano ginagawa mo rito?" Umupo siya sa upuan na nasa harap ko. Luh? Ako 'yung nagtatanong eh, tapos sa akin niya babalik 'yung tanong.
"Si Hyunbin kasi sinet-up ako sa date tapo—"
"Omg, talaga?! Ako rin!" Masayang sambit niya. Siya 'yung sinet-up ni Hyunbin sa akin???
"Tara, order tayo." Sabi niya. Maghahanap na lang siguro ako ng timing kung kailan ko sasabihin na may emergency tapos aalis na ako.
Habang nag-oorder si Audrey, napatingin ako sa labas at nakita ko ang isang familiar na babae na nakatingin sa akin.
Si Rylie.
Nagsalubong ang mata namin at umalis siya bigla. Anong ginagawa niya rito?
![](https://img.wattpad.com/cover/187992242-288-k233283.jpg)
BINABASA MO ANG
love advice | jungmo
Short Story❝chinat ko 'tong page na 'to para manghingi ng love advice, hindi para makipaglokohan sayo!❞ ❝love advice❞ ➳ koo jungmo ➳ broduce x series ➳ completed. ➳ neozity epistolary.