rylie yoon's
Dumiresto agad ako papunta sa bahay nila Jungmo pagkatapos ko ichat si Hyeongjun. Tumigil muna ako ng saglit at tumayo sa tapat ng gate nila.
Huminga muna ako ng malalim at nagdoorbell, bumukas naman 'yung pinto nila at lumabas 'yung mama ni Jungmo.
"Sino po sila?" Tanong ni Tita.
"Classmate po ako ni Jungmo, magbibigay lang po ako sana ng notes." Sabi ko naman sa kanya.
Ngumiti naman si Tita at lumapit para pagbuksan ng gate, "Pasok ka."
"Thank you po."
Hinubad ko muna 'yung black shoes ko bago pumasok ng bahay nila. Syempre, nakakahiya no.
"Upo ka muna diyan." Tinuro niya 'yung sofa sa sala nila. Pumunta naman siya sa sa kusina at bumalik ng may dalang isang baso ng orange juice.
"Ano pangalan mo?" Tanong ni Tita.
"Rylie po."
"Rylie...? Ah! Nako, ikaw 'yung lagi kinukwento ni Jungmo sa akin noon. Alam mo ba, tuwang-tuwa ako sa anak ko nun, ang cute-cute niya magkwento tungkol sayo." Kwento ni Tita. Hala? Anong kinukwento niya?
Nahihiya naman ako ngumiti sa kanya, "Talaga po?"
"Ah, oo nga pala, nakalimutan ko na rin. Si Jungmo pala nasa taas. Katok ka na lang sa kwarto niya." Tapos tumayo na ulit siya at pumunta sa kusina.
Bumalik siya na may dalawang tray tapos may lugaw, tubig tapos gamot.
"Pwede bang paakyat na lang nito? Kanina pa ayaw kumain nun." Tumango ako at kinuha 'yung tray tapos nagpasalamat si Tita sa akin.
Umakyat na rin ako at nung nasa tapat ako ng kwarto ni Jungmo, kumatok ako sa pintuan.
"Ma, hindi ako gutom sab—" Bumukas 'yung pinto at ayun, nasa tapat ko si Jungmo. Halata rin sa mukha amg gulat nung makita niya ako.
"Bakit ka nandito? Magagalit boyfriend mo sayo tsaka hindi ako gutom." Walang emosyon na sambit ni Jungmo.
Pero ngumiti lang ako at pumasok sa kwarto niya. Sinundan ako ng tingin ni Jungmo habang nilapag ko 'yung tray sa table na malapit sa higaan niya.
Pumunta si Jungmo sa higaan niya at umupo siya dun. Ako naman kinuha 'yung upuan na malapit sa study desk niya.
"Jungmo, bibigyan kita ng 5 minutes na mag-explain kung bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw si JM."
Lumingon sa akin si Jungmo at nanlaki'yung mata niya, "Sino sa apat ang nagsabi sayo niyan?!"
"Ayoko nga, hindi ko sasabihin. Baka mamaya sugurin mo eh." Natatawang sabi ko.
"Pero sige, kumain ka na nga muna tsaka uminom ka gamot. Kundi, hindi kita papansinin, sige bahala ka." Sabi ko sa kanya.
Kinuha niya 'yung mangkok na may lugaw sa gilid at kumain siya agad.
"Ayos na sa akin na may boyfriend ka na, Ry. Basta 'wag mo lang ako iwasan. Doble 'yung sakit eh."
Umiling ako, "Pinsan ko si Steven, Jungmo. Sorry."
Ngumiti sa akin si Jungmo at nagulat ako nang biglang nilapit niya 'yung mukha niya sa akin.
"Edi, pwede tayo?" Kumindat naman siya.
Bwiset ka, Jungmo. Kumalma ka lang, 'yung puso ko baka hindi kayanin.
Lumayo 'yung mukha niya nung tumunog 'yung phone ko.
Nagmessage si Audrey. Mukhang kailangan niya ata ng kasama.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko nang hawakan ni Jungmo 'yung kamay ko, "Aalis ka na agad?"
Tumango ako, "Pagaling ka na kasi."
"Rylie, may tayo naman diba? May pag-asa?"
"Meron, Jungmo."
—
Nakita ko si Audrey na nakaupo sa isa sa bench, hindi kalayuan sa bahay nila Jungmo.
"Audrey." Tawag ko sa kanya.
"Umuwi ka na." Sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko siya sa braso. Pero nagpumiglas siya.
"Ayoko." Sabi niya.
Kinuha ko naman 'yung shoulder bag niya kaso nakiagaw siya sa akin kaya nahagis 'yung bag niya sa may kalsada.
Agad akong pumunta dun at kinuha 'yung bag niya.
Hanggang sa nasilaw ako sa paparating na ilaw.
BINABASA MO ANG
love advice | jungmo
Historia Corta❝chinat ko 'tong page na 'to para manghingi ng love advice, hindi para makipaglokohan sayo!❞ ❝love advice❞ ➳ koo jungmo ➳ broduce x series ➳ completed. ➳ neozity epistolary.