528 12 0
                                    

CHAEYEON'S POV

'Aissshh! halos isang linggo na nung huli kong nakita si Kkura! asan kaya sya? hindi ko kasi sya palaging naabutan dito sa classroom eh kaya nag-aalala pa rin ako!'

*umub-ob nalang ako saaking  lamesa sa sobrang inis nang maramdaman kong may lumapit saakin*

"Oh parang gigil ata ang dancing machine namin ah... ano ba nangyari ha Chae?"
tanong ni Eunbi at agad syang umupo sa harapan ko

*agad ko namang ini-angat ang aking ulo at humarap sakanya bago mag-salita*

"Si Sakura kasi eh...halos isang linggo ko nang hindi nakikita, asan na kaya yun..."
malungkot kong sagot at napahalumbaba nalamang ako

"Si Sakura? di mo pa ba nababalitaan?"
nagtatakang tanong ni Eunbi

"Anong nababalitaan? bakit ano ba ang nangyari ha?"
nagaalala ko namang tanong

'teka bigla akong kinabahan sa pinagsasasabi ng babae na to ha!'

"Nag-transfer na daw diba... narinig kong sinabi nung Dean sa teacher natin kaya sinabi na rin nila saakin"
paliwanag nito

'teka wait lang nabibingi ako!'

"A...anong sa..sabi mo? totoo b..ba yan?"
nabubulol kong tanong sakanya

'no please say no! not my kkura please!'

"Oo naman! ako pa nga inutusan na ipadala yung mga documents ni Sakura dun sa bago nyang school na lilipatan eh..."
muling paliwanag nito

*agad naman akong tumayo at tumakbo papunta sa dorm ni Sakura*

'hindi! hindi ako naniniwala! andito lang si Sakura! hindi sya pwedeng umalis!'

*agad akong kumatok sa pintuan ng dorm ni Kkura at nagbabaka-sakaling pagbubuksan nya ako*

"Kkura? Kkura andyan ka ba? open the door please!"
sigaw ko sakanya habang kumakatok pa rin

"Wala na.... nung isang linggo pa umalis yung nagdo-dorm dyan.."
sabi naman nung street sweeper dito sa Academy kaya't initinigil ko na ang aking ginagawa

"No...."
tanging nasabi ko

*napa-upo nalang ako sa tapat ng pinto nya at napasapo sa aking ulo*

'Bakit ka umalis Sakura ha? kaya ba binayaran mo ako kasi hindi na ulit tayo mag-kikita?'

*napaluha nalamang ako nang maalala na hindi na kami magkikita pa dahil lumipat na sya nang school*

'hindi manlang kita naka-usap at nakita bago ka umalis.... kung kailan may nararamdaman na ako sayo....'

*agad ko namang pinahid ang aking luha at napa-tingin sa mukhang libro malapit sa may paa ko*

'teka ano naman to? kanino kaya to?'

*agad kong pinulot ang bagay na iyon at tumingin muna sa paligid bago ko ito buksan*

'teka kay Kkura to ah! may name nya oh! tsaka.... diary? diary ni Kkura!?'

Playing: Enchanted by Taylor Swift

-       -        -        -

March **, 20**

Dear Diary,

           Nakarating na ako ngayon dito sa bagong Academy na papasukan ko, ewan ba kay Daddy kung bakit nya naisipan na sa lugar na ito mag-trabaho at dito pa ako pag-aralin! kailangan ko pa tuloy mahiwalay sa mga beshy ko!

She Fell In Love With a DancerWhere stories live. Discover now