삼십

546 12 6
                                    

SAKURA'S POV

*agad ko namang inilagay saaking bulsa ang phone ko matapos ang paguusap namin ni Wonyo kanina*

'sinabi ko na nga pala sa kanila na baka dito na muna ako magi-stay sa japan kaya lang sobrang saya pa eh lalo na nung nalaman na andito ako sa japan ngayon! grabe parang ayaw na akong pabalikin ah! tsaka ano yun andito din sila? tssss kalokohan!'

*naasar naman akong naglakad papalabas ng airport ngunit bigla akong natigilan ng may kumalabit saakin*

"Mrs. Lee! andito ka pala!"
sigaw nya saakin at napalingon naman ako sa kanya

"Uy oo nga si Mrs.Lee oh andito na!"
masayang sigaw naman nung isa nyang kasama

'oo tama kayo, andito nga yung mga walang hiya kong kaklase na med students...'

"OMG Manunuod din sya? sabi na eh! napaka supportive naman ni Mrs.Lee!"
pangaasar naman nila saakin

'as usual, mga hindi pa rin talaga nag babago ih!'

"Tara na Mrs. Lee anong oras na oh! baka di natin masimulan!"
sigaw naman nung isa kong kaklase at agad nila akong kinaladkad papasok sa isang bus

'aba at mukhang may service pa sila ah!'

"Don't worry Mrs.Lee hindi lang kami isang bus no! madami pa kami at yung iba ay nandun na kaya bilisan na natin!"
masayang sigaw naman nung isa ko pang kaklase at tsaka umandar na yung bus

*napatawa nalamang ako sa kanila ngunit agad na nawala iyon ng may bigla akong maalala*

"Omg si Daddy!"
nagaalala ko namang sabi at napatingin silang lahat saakin

"Bakit anong nangyari?"
tanong naman nung isang lalaki sa likod

"Naiwan ko si Daddy sa airport! tsaka yung mga gamit ko!"
nagaalala ko namang sabi

"Edi i-text mo nalang Mrs.Lee"
sabi naman nung isa kong babaeng kaklase

'may point ka dyan! pero lagot pa rin ako no!'

*agad ko namang ni-text si daddy na kasama ko yung mga kaklase ko ngayon at may pupuntahan kami at agad naman syang pumayag at sya na daw ang bahala sa mga gamit ko*

'teka.... saan nga ba kami pupunta ha? bwiset tong mga to bigla nalang akong kinalakadkad!'

__

*matapos ang ilang oras na biyahe ay tumigil na ang bus sa isang venue at agad naman kaming bumaba*

'grabe wala pa akong kain ha! uy hala hapon na? ganon kahaba yung biyahe? tsaka nakatulog ba talaga ako?'

"Let's gooooooooo!"
sigaw naman nila at dali-dali kaming pumasok sa loob

*agad naman kaming pumwesto sa may unahan ng makapasok kami sa loob*

'wao ang daming tao ha! ano ba kasi ang meron dito?'

"Ayan na mag-istart na ata dali mag cheer na tayo!"
panimula nila at agad silang nagsigawan na tila ba ay wala nang bukas

'aishhh ano nanaman ba ito? concert? tsaka ano ba meron ha bakit pa nila ako sinama? sarap na sana ng tulog ko ngayon ih!'

*maya-maya pa ay muling sumigaw ang mga kaklase ko na ikinagulat ko naman*

"GO LEE CHAEYEON! MRS.LEE IS WATCHING! YIEEEEEEEEEEEEEEE!"
sigaw nila at napatingin naman ako sa kanilang tinitingnan

She Fell In Love With a DancerWhere stories live. Discover now