십일

439 12 0
                                    

CHAEYEON'S POV

"Minjoo...."
sabi ko naman ng bigla syang lumapit saakin

'bwiset na Sakura yan tinakasan ako! pagka-lingon ko wala na sya dito! ayan tuloy biglang lumapit si Minjoo!'

"Hi Chaeyeon... anong ginagawa mo dito?"
nakangiti nyang tanong

"Ah wa..wala naman...may kausap ako dito kanina kaso iniwan na ako eh..."
paliwanag ko naman

"Ganon ba... gusto mo ba ako nalang kausap mo?"
suggest ni Minjoo and she chuckled

"Nako hindi na! may klase na din kami baka kaya iniwan na ako nung kausap ko..."
palusot ko at agad na humakbang ngunit may natapakan ako

'notebook? teka sino naman ang naka-iwan nito?'

*agad kong pinulot ang notebook na natapakan ko at tiningnan ang nilalaman nito*

"Teka sayo ba yan?"
tanong naman niya

*bigla kong naalala kanina kung ano ang ginagawa ni Sakura nung madatnan ko sya kanina*

'ahhh sakanya nga ito, siguro nalag-lag kanina dahil ginulat ko sya ㅋㅋㅋ tapos nagmamadali pang tumakas sakin! kala mo makakaisa ka ha! magkikita at magkikita pa rin tayo no!'

*napangiti naman akong pinunasan ang ibabaw ng notebook na natapakan ko without knowing na nasa harap ko pa pala si Minjoo*

"Ummm Chaeyeon? ok ka lang?"
muli naman nyang tanong kaya't agad akong napatingin sakanya

"Ah oo... sige mauna na ako sayo ha..."
paalam ko naman sakanya

"Samahan na kita papunta sa room nyo!"
muling suggestion ni Minjoo

'hatid lang naman no? wala namang ibig sabihin yun diba? tsaka para mabalik ko na to kay Sakura hehe lagot ka sakin!'

"Sige tara na!"
sagot ko naman at naglakad na kami papunta sa room

*makalipas ang ilang lakad ay nakarating na ako sa room kaya't nagpaalam na si Minjoo at agad ko namang hinanap si Kkura*

'what if asarin ko sya ganon? or humingi ako ng kapalit para sa notebook na to? HAHAHAHA lagot ka talaga sakin! takas pa!'

*wala pang ilang minuto ay nakita ko na si Sakura na kinakausap si Nako kaya't agad ko silang nilapitan*

"It's Jjaeyeon time~~~"
mahina kong sambit at agad na akong lumapit sakanila

___________________________
===========================

SAKURA'S POV

*Nang makaalis sila Minjoo ay agad na rin akong bumalik sa room dahil nakita kong hindi pa rin binitawan ni Jjaeyeon yung notebook ko*

'aishhh! paano na ako makakapag-review nito ha!?'

*pagka-rating ko sa room ay nakita ko agad si Nako na kausap si Hiichan kaya't agad ko silang nilapitan*

"Uyyy mga beshy!"
sigaw ko sakanila ng ako'y makalapit

"SAKUCHAN! andito ka na pala!"
bati saakin ni Hiichan

"Oh basta Hiichan kunin mo nalang kay Juri yung libro ko ha..."
bilin ni Nako kay Hiichan

"Oo na ako na bahala! oh sya maiwan ko na kayong dalawa ha!"
paalam ni Hiichan at tuluyan na syang umalis

'teka... kunin? tama! ipapakuha ko nalang yung notebook ko kay Nako!'

"Oy Sakuchan! ano tapos ka na ba mag-review?"
tanong naman saakin ni Nako

'ok kailangan na nating mag act!'

"Nakoyaaa... pwede bang ikaw na ang kumuha kay Jjaeyeon nung notebook ko? hindi ko kasi nakuha sakanya! paano na ako magrereview nyan?~~"
palusot ko sabay pout

"Ha? eh bakit hindi nalang ikaw ang kumuha sakanya?"
muling tanong ni Nako

"Eh ikaw na kasi...."
hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may makita akong notebook saaking harapan

"Eto ba ang hinahanap mo?"
sabi ng babaeng nasa likod ko

'yaaaa! di pa ako tapos mag-salita eh!'

*agad naman akong humarap at nakita ko si Jjaeyeon na hawak ang notebook ko habang nakangiti ng nakakaloko*

'masama kutob ko dito ah...'

"Oh ayan na pala Unnie eh! sige maiwan ko muna kayo ha!"
sabi ni Nako at agad na syang umalis

'lagot na!'

"Oh eto na notebook mo..."
malumanay na sabi ni Jjaeyeon at iniabot na saakin ang notebook

*ngumiti lang ako at akmang kukunin na ang notebook ngunit bahagya nya itong inilayo*

"Wala bang thank you?"
tanong naman niya

'aisshh daming arti!'

"Tha...thank youuu..."
sabi ko at muling inabot ang notebook at gaya kanina ay inilayo nanaman nya ito

"Thank you lang?"
pangaasar nya

*ni-try ko itong kunin at itinaas nya ito at dahil mas matangkad sya ay hindi ko ito maabot*

"Jjaeyeon akin na kasi! kailangan ko na mag-review!"
sigaw ko sakanya at muling aabutin ito ngunit inilagay nya ito sa may likod nya

"Yun lang ba talaga yun?"
muli nitong panga-asar

"Jjaeyeon! akin na kasi!"
sigaw ko at muling inagaw ang notebook ko

"Paano kung ayoko!"
sigaw nya at akmang tatakbo ngunit nahawakan ko sya

"Akin na kasi yan Jjaeyeon!"
muling sigaw ko

*nahawakan ko na rin ang notebook ko ngunit agad nya itong hinila kaya't na-out of balance ako*

"WAAAAAAHHHH!"
sigaw ko at ipinikit ang aking mga mata

'teka...bakit hindi masakit? nasa langit na ba ako? asan yung sahig?'

*agad kong inimulat ang aking mga mata at nakita ko ang napaka-gandang mukha ni Jjaeyeon na puno ng pag-aalala*

"A..ayos ka lang? nasaktan ka ba?"
nag-aalala nyang tanong

'sinalo nya pala ako... sana masalo nya din ako kapag tuluyan na akong nahulog sakanya... ay nahulog na pala ako.... ang tanong eh kung sasaluhin nya pa rin ba ako?'

*agad naman akong tumayo ng maayos at humarap sakanya*

"A..ayos lang naman ako.."
sagot ko sakanya

*muli nyang iniabot saakin ang aking notebook bago mag-salita*

"Oh eto na nga! napaka-lampa naman neto! Di kana tuloy masaya kalaro.."
pang-aasar nya at bahagya itong tumawa

'kalaro...tama, pinaglalaruan nga lang pala nya ako dahil kahit kailan ay hindi naman ako magiging kanya'

*kinuha ko na ang notebook ko at tsaka ngumiti sakanya bago umalis*

'mukhang nakalimutan ko na ang mga isasagot ko ah... bakit kasi tumatambay pa si Jjaeyeon sa utak ko! uso ba yun?'
.
.
.

She Fell In Love With a DancerWhere stories live. Discover now