이십사

385 13 2
                                    

CHAEYEON'S POV

"Teka Unnie bakit ka naman namumula dyan ha?"
tanong saakin ni Yuri ng mapansin nya na hindi ako mapakali

'bwiset kasi na Sakura yan! bakit pa kasi nya sinabi yun ayan tuloy kinikilig na ako!'

*agad naman akong lumingon kay Sakura bago ako umimik*

"Si Sakura kasi eh napaka-"
hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla kong mapansin na wala na si Sakura saaking tabi

"Teka, asan si Kkura?"
tanong ko naman at agad na inilibot ang aking paningin upang hanapin sya

*napatigil naman sila sa kanilang paguusap at tumingin saakin*

"Kkura!"
sigaw ko naman habang hinahanap parin sya

"Asan naba si Sakura ko!"
muling sigaw ko at tumingin kila Wonyoung

"Aba ewan namin!"
nangaasar na sabi naman ni Yena

"Wala na umalis na! iiwan kana daw nya!"
pangaasar saakin ni Yujin

"Hoy wag mo ngang sabihin yan ha hindi nakakatuwa!"
naasar na sagot ko naman at muli ay tumingin sa aking paligid

"Oo nga iniwan ka na nya!"
muling pangaasar ni Yujin saakin

"Sakura!"
muling sigaw ko at makikita mo saaking mukha ang pagaalala

*tinawanan lamang nila ako at maya-maya pa ay napatingin sila sa may likuran ko kaya't napatingin din naman ako*

"Nakochan! asan si Unnie?"
natatawang tanong naman ni Wonyoung kay Nako

"Umalis na diba? iniwan na nya si Chaeyeon diba?"
sabi naman ni Yena habang pinipigil ang kanyang pagtawa

"Teka.... alam nyo na rin?"
tanong naman ni Hiichan at agad syang siniko ni Nako sa tagiliran

"Ah oo umalis na tapos di na daw sya babalik!"
sigaw naman ni Nako at tsaka tumawa ng pilit

'teka ano ba ang nangyayari ha?'

*agad naman silang napatigil at tumingin sa likuran ko tsaka muling nagtawanan*

"Anong meron?"
tanong naman ng babae sa may likod ko at nang makita ko sya ay agad ko syang niyakap

"Omg Sakuchan you're here! Sabi nila iniwan mo na daw ako! di mo naman gagawin yun diba!"
sigaw ko naman at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sakanya habang patuloy pa rin sila sa pagtatawanan

"Kinuha lang ni Unnie yung phone nya na naiwan dun sa store kaya nahuli sya no! napaka exaggerated naman ni Chaeyeon!"
natatawang sabi naman ni Yena at muli silang naghalakhakan

"Don't go anywhere ok.... you scared the shit out of me...."
malumanay kong sabi at tsaka bumitaw sa pagkakayakap ko sakanya at hinila na sya paupo

'hindi naman siguro ako iiwan nito no!'

*Ngumiti lamang ako sakanya at yayakapin ko na sana sya ng bigla akong tinawag ni Wonyoung*

"Oy unnie may tumatawag ata sa phone mo!"
sabi naman saakin ni Wonyo

*sinamaan ko lang sya ng tingin at tsaka inabot ang bag ko ngunit hindi ko ito makuha*

"Kkura pa-kuha nga nung phone ko dun sa bag"
nakangiti ko namang sabi sakanya at hinalungkat na nya ang bag ko

*bigla naman akong kinublit ni Yujin kaya't napatingin ako sakanya*

She Fell In Love With a DancerWhere stories live. Discover now