543 12 0
                                    

SAKURA'S POV

*nang makarating ako sa aking hometown ay muli akong napaluha ng maalala ko ang nangyari kay Daddy*

'baka bibisitahin nya ako pero ito pa ang nangyari, dahil saakin muntik nang mawala ang Daddy ko, nawala na nga si Mommy eh! hindi ko hahayaang may mangyari kay Daddy ko!'

*nang makarating kami sa hospital ay agad akong bumaba ng luhaan sa taxi at agad na nagtanong sa information desk*

"Excuse me Miss, san po dito yung room ni..."
hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may tumawag saakin

"Sakuchan?"
napalingon naman ako ng marinig ang aking pangalan

"Nakoya! Hiichan!"
sigaw ko at agad akong tumakbo papalapit sakanila at niyakap naman nila ako

"Tahan na Sakuchan ok na si Tito.."
mahinang sabi naman ni Hiichan saakin

"Tara na sa taas..."
mahinahong sabi naman ng Daddy ni Nako

'matalik na magkaibigan ang daddy namin ni Nako kaya't ganon din kami, mabuti nalang at nandito sila or else di ko na alam ang gagawin ko!'

*nang makaakyat kami ay agad kaming pumasok sa room kung saan naka-confine si Daddy*

"Daddy...."
sabi ko naman at kaagad ko syang niyakap kasabay ng pag-tulo ng aking mga luha

"Sakuchan...May pasok ka ngayon diba...bakit ka nandito?"
nanghihinang bati saakin ni Daddy at pilit na ngumingiti na parang walang nangyari

"Hindi na po ako aalis sa tabi mo Daddy, dito nalang ako palagi..."
nangingiyak kong sagot sakanya

"Ayos na ako Sakuchan, kailangan mo pa ring mag-aral diba?"
sabi naman ni Daddy

"No Daddy dito lang ako! aalagaan po kita! hindi ko hahayaan na may mangyaring masama pa sayo!"
dipensa ko

'ayoko na kayang bumalik dun no! pero pano si Jjaeyeon... ah basta!'

"Oh sige ganto nalang... kung gusto mo, pwede mo naman akong bantayan eh pero kailangan mo paring mag-aral anak..."
paliwanag ni Daddy

"What if dun ka nalang sa school namin mag-aral ha Sakuchan.."
suggest ni Nako

"Oo nga po tito dun mo nalang papasukin si Sakuchan para malapit dito at mabantayan ka.."
pagsang-ayon ni Hiichan

"Ok sige kung yun ang gusto mo edi dun kana pumasok..."
sabi naman ni Daddy

"Sige po Daddy!"
masaya kong sagot sakanya

'Siguro mas makakabuti na rin to para sa kalagayan ni Daddy at tsaka para hindi na rin to maulit pero paano naman si Jjaeyeon...paano yung naramdaman ko dun? Pero hindi ba't matagal ko nang gustong makaalis sa Academy na yun? aisshhh ewan ba...'

[After 3 days]

"Sakuchan andito na tayo!"
sabi ni Nako habang pilit akong ginigising

*agad naman akong napamulat ng marinig ko ang boses ni Nako*

'andito na pala kami sa Academy, kukunin ko rin kasi yung mga gamit ko tsaka para na rin makapag-paalam ng maayos sa Dean'

*agad naman kaming bumaba sa kotse nila Nako at agad ng pumasok sa loob ng Academy*

'as usual ang dami nanamang tao! pano may pasok kasi eh, buti natapos na yung exam namin edi wala na akong magiging problema sa pag-transfer ko'

She Fell In Love With a DancerWhere stories live. Discover now