이십칠 (special chapter)

480 11 2
                                    

CHAEWON'S POV

- - - -

Mrs.Kim
•active now

Ssammu....

Oh ano nanaman ha? Chaeyeon nanaman? Diba sabi ko sayo tumigil kana! tapos ngayon magda-drama kananaman saakin!Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi yan magwo-work pero hindi ka nakinig...

nasan ka ba ha? puntahan kita dyan wag kang aalis ha!
seen

- - - -

'So ayun saakin nanaman lalapit yang babaeng yan, for sure binusted nanaman sya ni Chaeyeon oh di kaya ni-ignore sya nun, ganon naman lagi eh tapos saakin pa iiyak, sinabi ko na sakanya na layuan na nya si Chaeyeon at tigilan na nya yung pananakot nya kay Sakura pero hindi sya nakinig, ilang beses ko na ring gustong sabihin yun kay Chaeyeon kasi napapansin kong bigla syang nag bago nung umalis si Sakura pero si Minjoo talaga ayaw pa ring tumigil kahit halata namang hindi sya gusto nito, ano ba kasing meron kay Lee Chaeyeon na wala ako, magaling din naman ako sumayaw, palagi ko syang kinakantahan tapos Chae din ako pero bakit palaging Yeon kung pwede namang si Won'

*pagkatapos kong i message si Minjoo ay agad na akong nagpaalam kay Kwangbae para mapuntahan ko na sya sa kanyang hide-out kung saan ito ay naging saksi ng pagkabigo nya sa kanyang first love na si Chaeyeon*

"Oy Hyewon mauna na ako ha may pasaway nanaman kasi...."
naasar kong sabi kay Hyewon na kasalukuyang kumakain ng tinapay

"Tikman mo muna itong tinapay na to oh! sapalagay mo magugustuhan yan ni Hiichan?"
sabi naman nya at agad na isinubo saakin ang hawak nyang tinapay

"Hmmm masarap naman sya..."
masaya ko namang sagot ng matikman ko ang tinapay

'kanina pa kasi ako nyan inakit dito sa bakery para tumikim ng tinapay na ibibigay daw nya kay Hitomi, ewan ba pero naging super close na sila since mahilig naman silang dalawa sa tinapay'

"Talaga? Oh sige bayaran mo na tong lahat tapos alis na tayo!"
masayang sabi naman nito at tsaka tumayo dala ang mga tinikman naming tinapay

'tingnan mo nga naman, ako pa pala ang pagbabayarin eh sya yung may gustong mag-bigay nun kay Hitomi'

*agad ko namang binayaran ang dala nyang mga tinapay at nag punta na sya kay Hiichan habang ako naman ay pumunta na kay Minjoo*

'sawang-sawa na akong makita syang umiiyak, sana naman maging maayos na sya this time, kung pwede ko nga lang syang angkinin eh matagal ko nang ginawa'

*nang makarating ako sa kanyang hide-out ay agad ako ritong pumasok ngunit napakunot ang aking noo ng wala akong makitang Minjoo sa loob*

"Asan na ka-"
natigilan naman ako ng may biglang nag back-hug saakin

"Ssammu....."
malungkot namang sabi nito habang patuloy parin sa pag-iyak

*napabuga nalamang ako ng hangin ng malaman kong nagiiyak nanaman sya at agad naman akong humarap at niyakap sya at hinayaan lang syang umiyak*

'sa totoo lang ayoko talagang nakikitang umiiyak tong si Minjoo kaya naman kapag si Chaeyeon ang may kasalanan eh gustong-gusto ko na syang sugurin! pero wala rin naman akong magagawa kasi mahal lang naman nya si Sakura at paulit-ulit naman nyang sinasabi kay Minjoo na hindi pwede tapos si Minjoo lang tong nagpapaka-tanga sakanya......'

She Fell In Love With a DancerWhere stories live. Discover now