Nakatambay lang ako sa rooftop habang dinarama ang hangin na humahalik sa aking balat. Nag-iisip na din ako ng bagong kwento na isusulat. Kinuha ko ang aking gitara at sinimulang tumugtog.
"Ang ikli ng...panahong ibinigay sa atin..."
Pag-ibig na, tila bang isang halik sa hangin~
Sumasabay sa lamig ng gabi ang aking boses na animo'y hamog. Medyo nilalamig na din ako at saka giniginaw kaya't napagdesisyunan kong bumaba na at bumalik sa aking kwarto. Ng makapasok ako sa kwarto ay umupo naman ako sa study table ko at kinuha ng notebook at ballpen na nakapatong lang dito. Nag-simula na ako na magsulat ng isang kwento at tinapos ko ito magdamag dahil matagal na itong nasa isipan ko.
Kinabukasan.
Dali-dali kong inayos ang sarili ko at ng matapos ay sinimulan ko ng basahin ang maikling kwento na tapos ko ng isulat kagabi pa.
---------------------
"Halik sa Hangin"Unang anibersaryo namin ni Fairen sa araw na iyon. Buong araw kaming magkasama, magkausap, magkakulitan, at ninanamnam lang namin ng bawat sandali ng mag-kasama. Malalim na ang gabi kaya't naisipan na naming maglakad na lamang pauwi.
"Wali? Happy Anniversary! Mahal na mahal kita, " ang sabi ni Fai sa akin at saka ako nito hinalikan sa aking kaliwang pisngi.
"Mahal na mahal din kita, aking binibini, " tugon ko sa kanya at hinalikan ko naman ito sa labi.
"Sandali lang pangga, bibili lang muna ako ng chuckie doon sa bukas pa na tindahan, " pagpapaalam ko.
"Ingat ka, Pangga."
Naglakad naman na ako patungong tindahan.
"Manang pabili nga po ng 2 chuckie, yung malaki po."
"40 pesos lahat totoy, " pagbibigay preso ng matandang tindera.
"Ito po tanggapin nyo na at wag akong suklian, " at inabot ko na ang 100 pisong bayad saka ngumiti.
Agad na akong tumalikod at naglakad na muli pabalik sa kinaroroonan ni Fai na paniguradong naghihintay na.
Laking pagtataka ko ng kumaripas ito ng takbo mga ilang metro na ang lapit ko sa kanya.
At...
Ng marating nya ako ay tinulak nya ako ng buong lakas dahilan upang tumalsik ako.
"F-fai!" saksi ang dalawang mata ko sa pagbangga ng isang truck kay fai at pagtilapon nya sa kaliwang bahagi ng daan.
"FaaaaaaaAaaaaIiiiii!!!"
---------------------
Tumulong muli ang mga luha ko. Wala akong pakialam kung may nakakakita man sa akin na umiiyak habang tulalang tumatawid sa kalye kung saan nangyari ang aksidente ilang taon na ang nakakalipas. Ikatlong anibersaryo na sana namin ni Fai ngayon...
"Wali? Happy Anniversary! Mahal na mahal kita. "
Nanumbalik lahat ng mga ala-ala ng kahapon.
"Kuya!"
"Hoy kuya tumabi ka!"
"Totoy!"Bumalik ako sa katinuan ng mapagtanto ang paparating na truck sa akin na siguradong mababangga ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Wala ng nasa isip ko kung hindi ang babaeng pinakamamahal ko. Tapos na lahat ng pangungulila ko. Muli ko ng makakasama si Fai, dito na matatapos ang buhay ko ngunit ito ang susi sa pagtutuloy ng aming kwento. Hinayaan ko na lang ang hangin na humalik sa aking buong katawan.
"M-mahal n-aa ma-a-ha-al k-k-i-ita."
WAKAS
Dinig sa buong klase ang pagpalakpak ng mga estudyante ko matapos marinig ang aking kwento.
"Sir? Mabuti po at nakaligtas kayo?"
"Sir Wali ang ganda po!"
"Sir isang kwento pa poooo!"
I survived, at ang sarap sa pakiramdam na malaman ng lahat na may nabuhay palang Fairen Howard, ang babaeng minahal ko na ginawa ang lahat upang sagipin ako ng dalawang beses ilang dekada na ang lumipas.
"Okay that's my last love story, class dismissed."
BINABASA MO ANG
Pen of Cupid (One Shots, On-Going)
Historia CortaThis is a work of fiction. Any names, characters, places, and events included are fictional. A collection of short stories written by Kupido Silvenia, your self-proclaimed dummy writer. Hope you'd like it. <3