"Muli"

5 2 0
                                    

Hawak hawak ko ngayon ang librong ibinigay sa akin ng lolo ko. Luma na ito, ngunit iniingatan ko pa din dahil isa ito sa mga ala-ala na iniwan sa kanya ng babaeng minahal nya noon pang panahon ng kastila. Ang ama ko na ang nagbigay sa akin nito dahil ako daw ang panganay na lalaki sa pamilyang hawig na hawig sa lolo ko. Hindi pa nga ako marunong bumasa eh, di ko din alam kung bakit lagi ko itong dala-dala. Abala ako sa pagpapahinga mula sa paglalaro ng may mapansin akong batang babae na nagtatampisaw sa lawa ng luha, sa tingin ko'y kasing edad ko lamang sya.
Tila may tumulak sa akin upang puntahan sya at makipaglaro. Dali dali kong inilapag ang librong pamana ni lolo. Tumakbo na ako papalapit sa may tabi at sinalubong siya ng isang ngiting kaytamis.

"Uy bata! Gusto mong makarinig ng alamat?" pagpapaanyaya ko sa kanya.

Umahon na ito ng bahagya sa tubig at sinabing, "Anong Alamat bata? Ang Alamat ba nitong lawa ng luha?" nakangiting pagtatanong nya sa akin.

"Ah, ehh... Oo bata hahahaha! Ayos lang ba sa iyo?," pagtatanong kong muli.

"Huwag na bata, kabisado ko na iyan dahil sa palagi iyang ikinukuwento sa akin ni Inay," nakangiti na naman niyang sagot.

Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon, na may iilang metrong agwat at panay ngiti lamang sa isa't isa.

"Uy, tara lumangoy na lang tayo."

Hindi na ako nakaangal pa dahil nagawa na nya akong hilahin para malaglag ako sa tubig. Lagot na 'to, di ako marunong lumangoy!

"Bataaaa! Tulooong! Tulong namaaan hindiii ako marunooong lumangoooy aaaaAaaaa!"

Ramdam ko ang ginaw na dulot ng tubig, parang tumatagos sa buto. Aba nga naman bakit ayaw niya akong iligtas Papa Jesus help meeeeee!

"Hala? Neknek mo! Ba't kita sasagipin dyan eh ang babaw nga lang ng tubig oh? Tingnan mo hanggang dibdib mo lang, HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Nahiya ako ng makitang mababaw nga lang ang tubig, Papa Jesus you saved me thank you po!

Di na lamang ako kumibo at pumikit na lamang dahil sa ginaw, at pagmulat ko ay nawala na yung batang babae.

"Boom!"

"AaaaAaaaaaAaaaaaayyyyyyy! MamaaaaaaAaaaaa!" napairit ako ng malakas ng may kumapit sa paa ko at napatalon pa ako ng kaunti.

"Bakla! Bading ka ba ha? Beki ka ka yata eh aaAaay pAk ganern! Bakla, bakla, bakla, baklaaaaa!" pangaasar niya sa akin.

"Ako? Bakla? Baka gusto mong halikan kita?" panghahamon ko sa kaniya kagaya ng itinuro sa akin ni Dad.

"Hahahahahaha!"

"Hoy bata! Pwedeng patingin ng kwintas na suot suot mo?" itinuro niya ang kuwintas na suot suot ko.

"Eto oh, gusto mo sa iyo na lang?" inabot ko ito sa kanya matapos ko itong hubadin.

"Isang kahoy na kwintas na isang kahoy din na puso ang palamuti? At... May nakaukit na pangalan." nakangiting sambit niya habang tinititigan ang kuwintas na ibinigay sa akin ni lolo.

"Bata? Kanina pa nga pala tayo magkasama pero 'di pa tayo magkakilala, ano nga palang pangalan mo?" nakangiti na naman niyang tanong sa akin.

"Juanito, ako si Juanito."

Ngumiti din ako sa kaniya at pinagmasdan lamang ang ganda nya, yes! Mukhang crush ko na siya mula ngayon, di nga ako bakla!

"Ikaw naman bata, ano'ng pangalan mo?" pagtatanong ko sa kaniya.

Hindi siya kaagad umimik at ipinakita sa akin ang kwintas kung saan litaw na litaw ang magandang pangalang nakaukit dito, at ngumiti siya ng ubod ng tamis, ngiti na 'tila ba nakita ko na noon.

"Carmela, Carmela Isabella."


(ginawa ko po ito para sa Ilysince1892, hindi ito nakaw.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pen of Cupid (One Shots, On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon