dedicated to Ms. Persephone Lockheart.
"Salamat sa lahat, sa pagliligtas mo sa amin ah?" ang pagpapasalamat ko sa lalaking mahal ko.
"Walang kahit anong bagay ang hindi ko kayang gawin para sayo, Persephone ko." ang tugon ni Eros sa akin.
Wala na akong nanaisin pa, masaya na ako dahil nandito si Eros, wala na akong ibang gustong gawin kung 'di ang namnamin ang bawat ala-ala naming dalawa.
"Love? Bakit ba ginawa mo ang lahat ng mga yun? Huh? Bakit?!" hindi na ako nakapagpigil pa at hinampas ko sya sa dibdib habang nagmamaktol ako. "Ang daya daya mo...," muli kong bulong sa hangin. Andito na naman ako at kinakausap ang matagal ng yumao. "Ang daya daya mo, Eros...," muli kong sambit bago tuluyang umagos ang mga likidong kanina pa nagbabadyang bumuhos mula sa mga mata kong walang sigla.
My life was almost perfect back then, 'til that day came, the day I lost my heart.
—————————————————————
"Eros, Love, you don't have to do that for us...," I said with a gasp.
"I will sacrifice myself for the both of you, this is how much I am loving you and our baby."
Humina na ng todo ang puso ko mula pa noong pinagbubuntis ko ang baby namin. Hanggang sinugod na lang ako sa ospital at nalaman namin na nagkabutas na pala, kailangan ng palitan sa lalong madaling panahon. Wala kaming problema sa pera dahil parehong multi-billionaire ang pamilyang pinagmulan namin ni Eros.
Pero, kahit anong dami pa ng pera namin ay wala kaming magawa. Walang heart donor, at kung meron man ay 'di naman match sa puso ko para ipalit.
"Doc, try my heart, subukan natin itong puso ko... baka sakaling magtugma sa puso ng asawa ko."
"Trust me my Persephone, we're victims of cupid's arrow kayat magtutugma ang puso nating dalawa, mabubuhay kayo ni baby, basta't pag sa tuwing namimiss mo ako, palagi mo lang tingnan ang mukha ng anak natin ah? Mahal na mahal kita...."
That was the last message of Eros for me, magkahawak kami ng kamay nun bago sabay na ipasok sa operating room, at nangyari ang dapat mangyari dahil tama siya, tugma ang puso nating dalawa.
—————————————————————
I'm missing him too much, habang nandito kami sa harap ng puntod ni Eros ay tinitigan ko lang ang mukha ng aming anak na walang kamalay malay na papa nya ang binibisita namin dito. Eros was right, gumagaan ang pakiramdam ko everytime na tinitignan ko si baby Perseros namin.
-----------------------------------------------------------------
Wala ngang katumbas ang pagmamahal ni Papa kay Mommy, at wala ding katumbas ang pagmamahal ni Mom sa akin.
"DaaaaaAadddyyyyyy!" pagtawag sa akin ng makulit kong anak.
"Yes anak?" tugon ko sa napakamausisang bata na pinakamamahal ko.
"Where's grandpa and grandma?" the little guy asked me.
"Here they are baby...," ang sabi ko at kinuha ang kamay ng baby ko at inilagay sa tapat ng puso ko.
"Narito sila sa puso ko, ang puso ni Papa at puso ni Mommy, ang puso namin."
BINABASA MO ANG
Pen of Cupid (One Shots, On-Going)
Cerita PendekThis is a work of fiction. Any names, characters, places, and events included are fictional. A collection of short stories written by Kupido Silvenia, your self-proclaimed dummy writer. Hope you'd like it. <3
