"T-hat G-girl"

5 4 0
                                    

by Eros Raval.

Tinitigan ko ang babaeng pulubi na tulalang nakaupo sa may lapag.

"Pst, wag mo ng tangkain pang lapitan yang baliw na yan," gulat ako ng marinig ang sabi sa akin ni manong guard na nagbabantay dito sa may tapat ng mall.

Hindi ko na sya pinakinggan at lumapit pa rin ako sa babaeng pulubi. Umupo ako sa tabi nito at tinignan ko ang kalunos lunos na mukha nito.

"Alam mo? Ang ganda mo sana kung di ka lang mabaho at madungis,"

Nagulat ako ng pansinin ako nito at saka ako tiningnan sa aking mga mata.

"Talaga?" walang emosyon niyang sabi.

"HAHAHAHAHAHA, grrr! hayop kaaaa! huhuhu, aaAaaaa arghh!"

"Tss, baliw nga...," mahina kong sabi.

"Ano ang mas makapangyarihan, isip ba o ang puso?" wala sa sarili kong pagtatanong sa kanya.

Ilang segundo pa ang lumipas at wala pa rin siyang imik. Hays, Bakit nga ba sa isang baliw na pulubi pa ako nagtanong? Napakibit balikat na lamang ako at akmang aalis na ng pinigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso.

"I lost my mind because I lost my love, and I lost my love because I followed my brain," ang sagot nya sa tanong ko at pilit na ngumiti.

"I'm sorry to hear about that," paghingi ko ng pasensya dahil mukhang nasaktan sya

Napapikit na lamang ako at napabuntong hininga, aalis na sana ng biglang marinig na mag-salita si manong guard.

"Nakikita mo rin pala yung yumaong babaeng pulubi na ginahasa dyan mismo sa tapat na yan at tinatdad ng saksak ilang araw na ang nakalipas."

Pen of Cupid (One Shots, On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon