"Kasal-kasalan"

7 4 1
                                    

Palubog na ang araw habang patuloy pa din kami sa paglalaro ng kalaro ko. Maghapon lang kaming naglalaro, tagutaguan, taya tayaan, at iba pa.

"Boom! Huli ka na Cabree! Bleeeh ako ang nanalo ngayon hahaha, at dahil dyan bibilhan mo ako ng candy ah? Gusto ko lamang ng dalawa yung akin, pwede na din ang bubblegum," ang sabi ng kalaro kong si Kean sa akin.

"Ano ba yan... Pero sige basta pag nataya kita mamaya sa habul-habulan hindi na kita ililibre ng candy ah? Limang piso lang ang mayroon ako eh," pangungumbinsi ko naman sa kanya.

"Sige na nga, oh tara laro na ulit tayo!" pagpayag nya.

Naghabulan na kami, at di namin mataya ang isa't isa. Nakakainis naman oh, kung di ako nakakaiwas ililibre ko pa sya! Hala! Lagot ako nito kay Papa mapapalo ako niyan, gabi na pala!

"Taya! Hahaha paano ba yan? Yung candy ko ah?" ayan na nga, nataya na nya ako.

"Cabreeeeeeee! Asan ka ng bata ka umuwiiiii ka naaaaAaaaaa!" narinig ko ng sumigaw si Mama mula sa bahay namin, andito lang kami sa bakuran ng kapitbahay ni Kean.

"Paano ba yan Kean? Sige na babye na bukas ulit ah? Pinapauwi na ako ng mama ko," pagpapaalam ko sa kanya at nanakbo na ako pauwi sa bahay namin.

"BukaaaAAAAs uUuuuliiit aaaah? Kasal-kasalan naman!" dinig ko ang paghiyaw nya bago ako tuluyang makarating sa gate namin, kumakaway pa ito at nakangiti ng may dimples, di ko na sya pinansin at pumasok na ako.

*End of Flashback*

Napapikit na lamang ako habang hawak hawak ang mga candy na paborito namin ni Kean. Pinatong ko ito sa kahon kung saan sya nakahiga ngayon. Halos napapangiti na lamang ako ng mapait habang tinitignan ang kababata kong nasa kabaong, ang laki na ng pinagbago nya, nung araw na yun pa ang huli naming pagkikita dahil nung madaling araw na yun ay nilayasan namin ni Mama si Papa.

"Ang daya mo Kean, sabi mo maglalaro pa tayo ulit, pasensya na, ang daya ko din dahil iniwan kita ng walang paalam." bulong ko sa kabaong nya at hinimas ito.

Nasa gitna ako ng pagluluksa ng biglang...

"Uy?! Cabree?! Ikaw na ba yan?! Uy naaalala mo pa ako?" sambit ng isang lalaki sa likod ko, aba bastos ah. Hinarap ko sya at isang pamilyar na ngiti at dimples ang bumungad sa akin, ang gwapo nya, at matipuno.

"Kean? Teka--- akala ko ba? Buhay ka?!" ang bulalas ko dahil sa gulat!

"Hala? Di pa nga tayo tumatanda ng magkasama pinapatay mo na ako agad?" sabi nito sa akin at tumatawa pa, hays, yung dimples nya aaaAaaa.

"Kean naman eh, eh sino 'tong hinayupak na nakakabaong?" tanong ko sa kanya.

"Tara na nga, kapitbahay namin yan, nasa kabila yung bahay namin hindi dito, may pumunta lang sa bahay kanina at sinabing may magandang babae daw ditong nagluluksa," pangaasar niya sa akin.

Wala akong masabi, naiinis ako at nahihiya ngunit masaya din dahil buhay ang kababata ko.

"Papakasalan pa kita, 'di ba? At ngayon, totoo na 'to, salamat sa paghihintay ng matagal na panahon, at sa madaming taon na di tayo nagkita, mula pagkabata natin ay minahal na kita, Cabree Ranexa? Oo o Oo?"

Andito ngayon ang lalaking minahal ko, nasa harap ko at nakaluhod, at ngumiti na naman ng nakakaloko habang litaw ang dimples nya.

"May choice pa ba ako? Oo! Kean Oo! I will marry you!" ang matamis kong pag-oo.

Natapos ang pakikiramay namin sa kapit-bahay nila ng suot suot ko ang isang diamond ring sa ring finger ko.

Pen of Cupid (One Shots, On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon