Chapter 2

43 0 0
                                    

Ako lang ang naghahatid sa mga kapatid ko sa school ngayon pero ayaw ni Hunter lalakarin na lang niya. Kaya si Simon na lang ang naihatid ko. Yun lang ang paraan ng bonding namin eh. Sinisisi ko nga ang custody namin eh ginawa pang sikreto at malas ako pa ang panganay kaya sa akin muna ang responsibilidad, buti na lang isang taon lang ang tanda ko kay Gil kaya siya muna na ang replacement ko sa pag-alaga ng mga kapatid ko. Ayaw ni dad na ang maid mag-alaga sa mga kapatid ko kaya ang ginagawa lang ng mga katulong ay tagalinis, tagaluto, tagalaba, at nag-aayos ng garden pero hindi sila nag-aalaga ng mga bata sabi kasi sa amin ni dad wag lagi naasa sa katulong, kailangan maging confident kami.

Same school lang sila ni Hunter pagbaba ni Samson at syempre hinahug ko ang paborito kong kapatid at tinadtad ko ng kiss sa buong pisngi niya at kiniliti ko siya hindi niyo naman ako masisi dahil ang cute at ang taba ng cheeks ng kapatid ko. At ang huli kami na lang ni Gil ang na sa sasakyan dahil parehas lang kami ng school na pinapasok kasama ang mga pinsan namin na sila Rose at Freesia. At biglang nagsalita si Gil about sa akin syempre.

"Ate buti nag loosen up ka onti alam mo miss ka namin makasama ng mahaba." ngiting sabi ni Gil syempre siya ay pinakaclose ko dahil siguro sa year gap namin at nandoon siya sa hindi kaayaya kong past at syempre hindi nawawala ang pag-aalala niya sa sitwasyon ko at onting detalye lang ang sinabi ko sa kanya yun ang ako ang tagapagmana ng negosyo nila dad mga ganun pero hindi ko sinabi na marami pala ang ihahandle ko baka lalo siya mag-aalala sa akin baka mag-volunteer siyang tumulong sa akin which is a good thing kaso hindi niya alam ang rules about sa family namin.

"Naisip ko yun kahit sandali lang iyon ay buti nakapagenjoy kayo kanina sana ganun din ang nararamdaman ni Hunter alam natin na tinatago lang niya ang nararamdaman niya akala niya siguro hindi natin alam yon pero ganun din ako dati in other way nga lang."

"Still dapat bantayan natin ang kinikilos ni Hunter at lalo na sa pagbubully niya at kailangan na matigil ito sa madiling panahon baka makaapekto ito sa good conduct niya at baka hindi siya makagraduate ng elem dahil sa ugali niya at ayoko na laging pumupunta si mom sa guidance para makipagusap sa mga nanay ng nabiktima ni Hunter." worry na sabi niya sabay kaming nag sigh.

"Sana matigil na to at sabibin mo sa kanya na pag-ako ang pumunta sa guidance at imbis na si mom syempre alam natin na mahinhin si mom kaya hindi pa sya ipapatransfer pero kailangan para sa kabutihan niya."

"Wag mong sabihin na itransfer mo siya sa--" gulat na sabi ni Gil.

"Oo tama ka baka ipatransfer ko siya sa boys school yung pang militar ang batas nila sakto sa mga junior high at elem at pag hindi siya titigil no choice tayo na doon siya ipatransfer at doon din makapagtapos hanggang highschool." kailangan talaga madisiplina siya sa ginagawa niya alam kong harsh ako pero its taking too far na ang attitude niya lalo na malapit na siyang mag graduate ng elem at importante ang good conduct niya or else uulit siya ng year dahil pag nag highschool siya tiyak na hindi siya matatanggap na kahit anong school except sa boys school tinatawag din ng the trouble youth.

"Dapat ipa homeschooled na lang kaya natin kasi baka lalong lumala ang ugali niya lalo na doon siya mag-aaral." tama naman si Gil kung doon namin siya ipatransfer baka lalo siyang maimpluwensiya ng mga kabataang asal kalye hays kailangan kong makapagisip dagdag stress na naman plus isama pa ang business sunod yung ugali ni Hunter.

"I don't know Gil hays much better kung homeschooled na lang kaya siya, mahal ko naman si Hunter baka masyadong delikado pag doon siya ipaaral."

"Tama ka Ate siguro kailangan lang na palagi tayo nandiyan para sa kanya lalo ka na ate, lumaki si Hunter na ako lang ang kasama at wala kayo nila mom."

"Parang ikaw na ang tumatayong tatay ni Hunter, pagnakapamilya ka na masuwerte ang magiging anak mo ni Fae hahaha." asar na sabi ko sa kanya. Well totoo naman si Gil kasi parang may pagka fatherly vibe.

"Ate please stop joking ang bata-bata pa namin ni Fae atsaka may future ahead po kami." mula sa hiya si Gil, hahaha nag overreact siya parang akala mo totoo ang sinasabi ko. Well totoo naman na mabuting kapatid si Gil no doubt about it kahit lalaki yan hindi siya tulad ng ibang lalaki na laging gusto ay may gulo kundi lagi siyang focus sa student council, sa studies syempre hindi mawawala ang pag bonding niya kay Fae at sa amin. Yun ata wala ako eh multi-tasking lahat sa akin may sacrifice para sa studies at training maging bilang heiress ng company.

"Hindi ka mabiro." sabay gulo ko ng buhok niya. Lagi ko yung ginagawa ko sa kanya kapag kami nag-uusap syempre may halong biruan. Pagpark ko ng kotse sa parking lot ng school ay lumabas na kami sa kotse at pumunta na kami sa sarili naming destinasyon. Nakita ko si Rose at yung friends namin kaya kumaway ako para kamustahin sila.

"Rose kanina pa kayo?" tanong ko sa pinsan ko.

"Oo kanina ka pa namin hinihintay may goodnews si Daisy." mukhang excited pa si Rose sa gaganapin mamaya pero ako kinakabahan dahil para sa akin feeling ko nenerbyosin ako mamaya sorry kung masyadong nerbyosa ako ganun naman talaga ako pero hindi halata imagine ang face ko sobrang kalma pero deep inside nag papanic ako.

"Ano yun Daisy?"

"Guys! May gig tayo mamaya at Ris may sulat kana ba ng mga lyrics para mamaya?" sabi ko na naba eh alam ko ang pakay ng babaeng to kahit halos sa magkakaibigan mga song writer at sa akin pa talaga inaamin ko mga expert ang mga yan ewan ko lang sa babaeng to at sa akin pa talaga mag susulat ng mga kanta.

"Meron kaso hindi tapos love song siya pero kalahati pa lang ang nasusulat ko kaya kayo na lang ang magtapos dagdagan niyo na lang ng limang stanza di bale mga expert naman kayo hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nitong si Daisy at ako pa dinadamay niyo sa banda niyo."

"Eh natamad ako eh atsaka wala akong maisip para gumawa ng lyrics." sabi ni Riley at nagkakamot pa sa ulo. Kahit kailan tamad tong babaeng to pero siya ang drummer at gumawa ng tono ng kanta.

"Sus tamad ka lang!" sabi ni Stacey at binatukan pa si Riley, as if naman na hindi tamad yang si Stacey isa rin to.

"Ang nagsalita ang hindi!" sabat ni Danica, ang bass ng grupo.

"Hoy mga kupal dapat nagpapakatotoo kayo na tamad kayo lalo ka na Daisy ikaw pa naman ang vocalist ng grupo." at sabay ko silang binatukan except kay Rose syempre ang manager ng grupo. Parehas lang sila ng kapatid niyang si Freesia mahilig sa music kaya mas close sila kaysa sa bunsong kapatid nila na si Chrysa.

"Aray bakit ako nasama hindi naman ako nag sinungaling ah!?" angal na sabi ni Danica.

"Kasama ka na rin don at ginawa ko na yon agad bago ka magsalita para advance." seryoso na sabi ko sa kanya.

"Tigil na yan mamaya na yan hindi niyo ba alam na may klase pa tayo lagot tayo pag na late tayo kay Sir. Kulob." sabi ni Rose at siya na ang nauna sa paglalakad papunta sa first class namin well magkasama kaming lahat sa first class lang pero pag dating sa second at the rest quarter ay magkakahiwalay kami syempre different course ba naman kaming lahat.

After ng class namin sakto may nag call galing kay Gil at mukhang emergency ito at sinagot ko agad ito buti na lang natapos ang third class ko at sunod naman lunch na.

"Bakit ka napatawag Gil may problema ba?"

"Ate si Hunter na sa ospital."

"Anong nangyari nakipagaway na naman!?" medyo galit at may halong gulat na pagkasabi ko non.

"Opo at this time malala na kasi ang daming dugo sa uniform niya at may mga sugat sa mukha niya at namamaga pa ang kanyang kamay. Ate ikaw muna bahala kay Hunter at ako na lang magsusundo kay Samson."

"Sige pag natapos ang klase ko dalawa na lang ang klase ko kaya mapupuntahan ko pa si Hunter."

"Bye ate."

"Bye." at nag end call ako.

Magkikita pa kami nila Rose mamaya at sakto aalagaan ko pa ang pasaway kong kapatid ang hirap ng sitwasyon.

FLOWERS SERIES: Iris Marquez (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon