"Ok so pupuntahan na natin ang bahay ng may-ari ng shop ngayon." tanong sa akin ng babaeng gustong ipahiya ang may-ari.
"Yes, tinawagan ko siya kanina kung nandiyan siya sa bahay ang sabi niya pa nandiyan daw siya so you don't have to worry." klarong sabi ko sa kanya, sana naman ayusin ni Jiro to kung hindi malilintikan talaga siya kapag nagkataon.
"Good because he have to pay for it, alam mo bang gaanong kahalaga ito."
"Hindi ang alam ko lang ipapalugi mo ang negosyo ni Jiro dahil sa eskandalo na ginawa mo. Pero bakit mahalaga ito sayo?"
"Kasi ako itong inutusan ng pinsan ko na mag-order ng bulaklak sa shop imbis na siya tapos sabi pa niya ngayon na dahil sa kasal niya malapit na kasi yun kaya kailangan maayos na ang decorations ng flowers sa simbahan para mapagplanuhan kung saa ito ilalagay." tapos nagsigh siya. Teka para lang si Victoria tsk nagmamadali sa kasal niya wala pa naman eh tapos parang ang oa akala eh katapusan mundo ngayon.
"Ano bang inorder mo?" tanong ko sa babae baka kung sakali kamaganak ito nila Victoria o kaya ng Fiance niya.
"Blue at Pink rose tsk walang kwenta talaga ang delivery boy na iyon malapit na nga eh tanga tanga pa."
"Wait kilala mo ba si Victoria Panes?" kasi yun din ang gusto ng bruha para sa kasal niya bukas.
"Oo pinsan ko yung mapapangasawa niyang si Matthew Huff, pinsan ko siya sa mother side."
"Ah kakausapin ko na lang si Victoria eh kilala ko naman yung tao papakiusapan ko na lang siya kasi kilala niya rin yung may-ari."
"Weh hindi nga?"
"Oo magkakaibigan kami nung highschool pa kami nila Jiro."
"Fine pero kailangan ko pa rin makausap yung Jiro na yan." Grabe ng babaeng to sigurong walang boyfriend na tumatagal sa kanya eh napakaconsistent niya.
"Oo na masusunod po kamahalan." tapos ngiti lang ang binigay sa akin ng babeng yun.
Tapos nun pumunta kami kung saan nakatira si Jiro buti na lang hindi pa pumasok kanina si Jiro sa shop kung hindi patay na talaga ako sa babaeng to. After ng awkward silence namin at last nakarating na kami kay Jiro.
"Jiro buksan mo ito nandito na kami, gusto kang kausapin ng customer natin nagkaproblema ata sa ordering system!" sabay katok ko sa gate nila.
"Hindi yon ata, palpak pa ang mga tauhan mo!" tsk tagos yun sa puso masakit ah.
"Hoy hindi palpak ang mga tauhan ko!" Jiro nice acting at nagthumbs up pa ako sa kanya buti na lang hindi nakita ng babaeng kasama ko.
"Anong hindi palpak puntahan mo nga at kausapin mo ang tauhan mo na palpak eh hindi nga madeliver ang inorder ko eh kahit medyo malapit lang naman!" pasigaw na sabi ng babae.
"Malapit lang pala eh bakit hindi mo na lang puntahan?" oo nga naman hindi ko gaano naisip yun bobo kasi ako eh.
"FYI hindi sa bahay ko kungdi sa bahay ng asawa ng pinsan ko ok at nagtawag siya sa akin kung bakit wala pa sa tamang oras ang pagdedeliver ng bulaklak!" well ganun talaga ang technology ngayon may date at time siya depende sa layo ng location.
"Mahinahon ka muna miss hindi namin sinasadya ang nangyari sa delivery, si Iris na lang ang magbibigay ng inorder mo ok ba sayo." Tae na yan! dinamay pa ako tsk no choice naman kasi baka makahalata pa ang babaeng to na ako yung may-ari eh kapag aayaw pa ako. Kasi naman itong si Jiro eh sa akin talaga inutos na ibigay ang bulaklak at syempre sasamahan ko pa eh iniiwasan ko nga makasama ang babaeng to! Baka isang galawan pa lang deds na ako.
"Sino bang si Iris?" nakataas ang kilay niya habang tinatanong kung sino ang sasama sa kanya.
At tinuro pa ako ni Jiro, mamaya ka sa akin akala mo at sinaaman ko pa siya ng tingin at nakita ko na tense siya bigla dapat lang sayo no!
"Ah ikaw pala si Iris ang ganda naman ng pangalan mo, hindi halata mahilig siguro ang mga magulang mo sa bulaklak." Ewan ko ba nung sinabi ng babaeng to yung tungkol sa parents ko eh hindi man lang ako nagalit or what kasi ewan ko ba kung bakit iba siya sa mga taong estranghero sa buhay ko kung ibang tao siguro na nagbanggit nun siguro mababadtrip ako ayoko kasing maalala ang nangyari sa kanila.
"Um o-oo mahilig sila sa bulaklak malas nga lang na ako lang ang iisang babae sa pamilya kaya hindi pwedeng ipangalan yung ibang bulaklak sa mga kapatid ko kasi lalaki yun."
"Oo nga ang weird kaya yun, so payag na ako na ikaw ang magdeliver ng bulaklak alam mo naman siguro ng bahay ng pinsan ko?" nakangiting sabi niya sa akin tapos hindi ko inaasahan na pati ako nahawa sa kanyang pagngiti.
"S-sure ok yun sa akin diba BOSS." at inemphasize ko yung dulo para sinyales na success ang pretend.
"Y-yeah oo naman at im sorry talaga miss hindi na po mauulit....................nagayon lang nagkataon eh." sabi ni Jiro na may paghihinayang sa kanyang sinasabi.
"Sure next time wag niyo naman iparanas sa ibang costumer niyo ok." at ngumiti siya na nakakatakot sa amin, yung mga ngiti na isang mali ay lagot ka na. At sabay pa kaming lumunok ng laway ni Jiro.
"And by the way my name is Samantha Rogers baka kung sakali magkita uli tayo." habang sinsabi niya yun......... ako lang ba o sa akin nakatingin si Samantha ksi for sure nakatingin siya sa gawi ko eh.
"Huy pst pst!!" at napatigil ako sa kakaisip ng batukan ako ni Jiro.
"Ano ba! ang sakit nun gusto mo masesante ha!"
"Kanina ka pa nakatunganga wala na si miss ganda. at binigyan pa ako ng nakakalokong tingin na akala mo may ibang ihip ng hangin na dumating dito.
"Itatanong ko na lang kila Victoria tungkol sa pinsan niyang fiance niya." deretsang sabi ko kay Jiro.
"Ok maniniwala na ako no offense BOSS." at nagtaas ang kaniyang mga kamay yung parang hinuli ng pulis.
"Ok pumasok ka na akala mo hindi ko napapansin ang isang linggong day off mo" naramdaman niya sigurong nagagalit na ako.
"Papasok na po ako boss hehe." at sumunod na sa akin si Jiro dahil may aayusin pa kami alam niyo na dahil sa babaeng yun.
BINABASA MO ANG
FLOWERS SERIES: Iris Marquez (GXG)
Random"We don't know who's to trust anymore." "But all I know is we cannot hold our walls forever" "Because there's always someone will break those walls that you've built ." ~ Iris Marquez