EPILOGUE

46 1 3
                                    

EPILOGUE

"Bakla... si Marian yung pinangitaan ng itim na jeep, hindi ikaw. Sabi ko sayo gumagana din prowess ko sometimes." Payabang ni Manong Tony habang pabiro nitong kinukurot si Noel na katabi ni Marian. "Ssshh...Kaya ang sama ng tingin ko sa inyong dalawa dati, eh kasi ang ingay niyo lagi sa simbahan" seryosong sinabi ni Marian, sabay sinundan ng ngiti.

"Yabang nito. Hayaan mo kahit lagi mo akong multuhin o pagkamalang rapist, liligawan pa rin kita." sabay tingin sa dalaga.

Tumahimik si Noel sumandali. "Pero meron pa rin akong di maintindihan?" patakang tumingin sa mga taong nagdadaan papuntang komunyon."Paano mo ako natulungan manong Tony?" Ngumiti ang matanda "Me mga bagay pa akong di nasasabi." Sabay seryoso nitong tiningnan ang dalawa. "Tanggap ko naman na bilang na rin ang araw ko. Malamang una kung gagawin kapag mamatay ako ay ang pumunta sa nakaraan at tulungan ang kaluluwa ni Marian... tapos pupuntahan ko yung crush ko nung highschool at sisilipan siya sa pagligo" sabay ngiti nitong sinabi.

Matagal silang nanahimik."Tapos na ang misa.Sya, Balik panghuhula na ako." tumayo na si Manong Tony, ngunit bago ito makatayo ng lubusan ay bigla itong nawalan ng malay na parang kusang nawalan ng lakas ang tuhod.

Habang nagkakagulo sa loob ng simbahan ay abala ang mga manghuhula Sa labas. Huli sila sa makakaalam sa pangyayari

END

AstralistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon