V. MONCHING

39 2 0
                                    

V. MONCHING

Bata pa siya nun ng unang pangitaan ng multo.Nakatayo sa harap ni Noel Si Ma'am Dilungan, ang terror na teacher. Terror talaga sa hirap ng tanong sa recitation. Sa di malamang pagkakataon natuon ang pansin ni Ma'am D kay Noel. Tigatik ang pawis.Pinapasagot sa kanya ang multiplication problem sa board. Kaso di niya talaga mabasa ang nakasulat. Pano di na siya makagalaw at makasalita sa titig ng lalaking nakaharang sa board. Maitim ang balat at nakapikit, parang patay na nailabas sa kabaong. Galit na galit si Ma'am D. Pinagpapalo siya sa inis, ngunit di niya nararamdaman. Hanggang sa bumuklat ang mata ng lalaki sa harap ni Noel at nagdilim ang lahat. Huli niyang narinig ang sigaw ni Ma'am D, "simpleng math.Ang sagot ay 123. 1--2--3". "1--2--3. Hoy huwag kang mag1--2--3!" galit ni sinabi ng driver. "Dulo na ng biyahe hoy. bayad mo?"

AstralistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon