I. NOEL MC SQUARED

201 4 0
                                    

Astralista 

kuwento ni Ryan Sandagon

"Addict" ang huling bulong ni Noel sa sarili. Ilang araw na kasing nahuhuli ang roommate sa dormitoryo na humihithit ng marijuana. Hindi niya naman mapagsabihan kasi kapag wala sa sarili'y medyo nagtrtrip ang mokong. Nung nakaraang weekend, habang nasa Olongapo siya'y napagdiskatahan ng mokong ang bangko. Pano kasi pagbalik niya ng Lunes pirapiraso itong nakatago sa ilalim ng kama. Marami ring galos sa kamay at paa ang mokong. "Sorry pare, hinamon kasi ako kagabi niyang upuan mo. Gusto mo palit na lang tayo?"

"Addict"

I. NOEL MC SQUARED

Kapag mainit ang ulo ni Noel ay tanging ang simbahan lang an refrigerator niya. UUpo; luluhod; magiisip; tapos okay ng lahat. Balik buhay estudyante na naman.

BS Applied Physics ang kurso niya. Kung tatanungin mo kung bakit malamang di ka niya sagutin. Pano kasi makailang beses niya ng pinaliwanag at pinagtanggol ang kursong sa tingin ng iba'y kakaiba. Iba-ibang reaction nga ang sumasabit sa mukha ng mga tao kapag nasabi niya na ang kurso. Me ibang tatango,me ibang magkukunwari'y di niya narinig, at karamihan nagtatanong kung ano yung kurso. Minsan nga nagsisinungaling na lang si Noel na siya'y isang BS Nursing. Tahimik at walang gulo.

AstralistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon