III. EXITERYA

57 1 0
                                    

III. EXITERYA

"Gago ka kasi. Ba't mo naman titi--teegan, di mo naman pala kilala." paninisi ni manong habang palabas sila ni Noel ng simbahan. "Tsaka marami namang katulad kong me asim pa. Pipilit mo pang sarili mo sa mga dalaga". "Hindi naman yun yung point eh. Napatingin lang ako kasi di ko pa sya nakita dati sa simbahan. Tiyaka kasalanan niya't nakaputi siya, di ko naman akalain na magagalit siya kapag tingnan." Napatahimik ang dalawa habang naglalakad patungo sa puwesto na me karatulang "Hula ni Manang Tony (espritesta, multo at kulam)". "Siya Manong Tony, mukhang kelangan mo ng magtrabaho. Nakapangkumpisal ka naman ata sa mga hula mong di totoo minsan", pabirong sinabi ni Noel "Che. Kaw lang naman ang di naniniwalaula at beauty ko eh." Sabay upo sa pwesto niya na kahilira ng iba pang manghuhula na busy sa panghuhula sa mga customer nila. Bago umalis si Noel ay saglit itong sumulyap sa kinaroroonan ng dalaga sa Quiapo Church, ngunit wala na ito. "Addict" bulong ni Noel sa sarili sabay para ng jeep papuntang Campus.

Sa di malayo ay napatitig si Manong Tony sa jeep na kinasasakyan ni Noel. "Anak ng *p()^@" pabulong nitong nasabi habang nagmamadaling napatayo at nagbungkal ng cellphone sa bulsa. Isa lang ang pwede niyang gawin; ang padalhan ng text message si Noel. Ngunit tumunog ng reklamo ang cellphone. "P()^@ng load yan!."

AstralistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon