II. MANANG TONY AT ANG PUTING DALAGA

97 1 0
                                    

II. MANANG TONY AT ANG PUTING DALAGA

"Hayun na naman si Tatang" isip ni Noel habang pinapanood ang isang matanda sa unahan ng simbahan na natutulog. Lalapitan ito ng isang sakristan at saglit na gigisingin. Tatayo ang matanda at ngingising tatayo palabas. Nakita nito si Noel at unting palalakihin ang ngiti para pakita ang gilagid na walang ngipin.

"Makailang beses na ba kayong nasita ng sakristan manong?" tanong ni Noel habang nagbibigay ng espasyong mauupuan si tanda. "Bakla. Di naman ako laging nakakatulog sa harapan eh. sa leeekood din." sabay ngisi. "Inggit lang yan si Sakristana, di kasi makaidlip sa misa, nawawalan pa ng ganda". Ngingiti naman si Noel. "Pagpasensyahan niyo na, nasa simbahan pa naman kayo." sabi ni Noel habang titingin sa kalapit na upuan kung saan me mapapansin na uupong dalaga na nakaputi.

Minsan lang siya napapatitig sa tao; kung galit siya o kaya natutuwa siya. Sa pagkakataong ito, alam niya na masaya siya. "Me mga tao din kasing likas na magaganda't napapatitig ka talaga" isip-isip niya sa sarili. Ngayon niya lang nakita ang dalaga. May hawak itong rosaryo sa kamay. Me simangot din sa labi at nakatitig kay Noel ang mga matang di natutuwa.

AstralistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon