VI. LOTLOT

57 2 1
                                    

VI. LOTLOT

"Ligo lang yan Noel" pabiro ng roommate pagdating ni Noel sa dorm. "Mokong, kaw maligo. Amoy alak ka eh. Buti di pa bumabalik mga pinaggagawa mo." patakang tanong ni Noel habang nagliligpit ng mga kalat ng inuman."Matagal ko ng nabanggit sayo na idol ko si Edgar Allan Poe na kelangang magbisyo bago makalikha ng magandang kwento" paliwanag ng namumulang roommate na nakahiga sa sariling suka. "Namatay din ata si Poe sa sakit dulot ng bisyo no?" nangising sabi ni Noel paalis ng kwarto. Isa sa pinakaayaw niyang lugar sa dormitoryo ang banyo. Hindi dahil sa di marunong magbuhos ang ibang dormmates, pero dahil sa kawalan nito ng tamang ilaw. Nasanay ng naliligo ng gabi si Noel, pero di niya pa rin makasanayang ang pagligo dito sa CR. Naalala niya kasi yung lalaki.

Pero alam ni Noel na di multo ang nakita niya nung bata siya. Pano kasi ng matanggal si Ma'am D dahil sa pamamalo ng sobra eh di niya mapaliwanag ang sumunod na nangyari. Ang pumalit na teacher sa kanila ay si Ginoong Tingkad, na minsan ay tinatawag na black teacher ng ibang kaklase ni Noel dulot ng kaitiman nito. Pagpasok pa lamang ng kwarto ni Ginoong Tingkad kasama ng principal ay napasigaw na si Noel at nagsisigaw ng "Multo! Multo!". Si Ginoong Tingkad ang nakita niyang multo. Simula noon ay pinagtatawanan na siya ng mga kaklase. Tumagal lang ata si Noel ng dalawang buwang kahihiyan bago matransfer ng ibang school.

Napuno na ng tubig ang drum. Dahil sa medyo cost-cutting, walang shower ang mga paliguan. Me tagiisang drum nga lang ang mga ito. Nakasanayan na ni Noel na palitan ng laman ang drum. Nadala na siya ng dating maligo at huli na ng mapansing me Condom and drum. Medyo abnormal ngang pagligo niya; una ang sabon bago shampoo. Kaya pikit siyang naliligo. Malalim ang iniisip niya't di napansin na me pumasok sa CR.

"Katangahan" bulong niya. Pano ba nama'y nalaglag and sabon sa sahig. "Madumi pa naman" isip-sip niya. Pilit niyang inaabot ang sabon ng nakapikit. Hindi niya napansin ang dugo sa sahig at ang duguang paang pinagmumulan nito. Naramdaman niya na lang na unti unting sumusuksok ang sabon sa naghahanap niyang kamay. Dahil sa gulat, kahit mahapdi'y binuksan niyang mata niya.

"Baboy talaga mga gumagamit dito" nandidiring bulong sa sarili, habang nakatitig sa putikang sahig. Dagliang nagbanlaw at palabas na siya ng mapansing me yapak ng paa papuntang labas ng CR. Sinundan niya ito at napansing patungo sa sariling kwarto. "Baboy na addict na roommate"

Pagbukas ng pinto'y nakatalukbong ang mokong. "Gago ito, tatakutin mo pa 'ko" pangising sinabi ni Noel. Nalinga ang tingin niya sa biglaang tumunog na cellphone. Nagmadali siyang naghukay sa bulsa ng nagamit na jeans. Kumulay sa cellphone ang "2 messages received". Kaunting pindot lang at nabasa ang pinakabagong mensahe:

"from Manong Tony - Bakla! nakita mong message ko kanina."

unting pindot pa't bumukas ang pangalawang mensahe:

"from 092878252 - Naubsan akong load. Klangan mong magbhis ng pbaliktad. Ung jip kasing snkyan mo kanna, klay itim. MASAMA yun, pangitain yun"

Nagreply si Noel ng "ok". Medyo naguluhan siya sa mensahe. Ang pagiging itim kasi ng kahit anong bagay ay sinyales ng masamang omen ayun kay Tony, alin sunod sa mga paniniwala ng mga manghuhula ng Quiapo. Kaso wala ng bisa ng pagbabaliktad kapag nahubad mo ng kasuotan, ayon na rin sa matanda. "Baka nalinga lang si manong" isip niya sa sarili. Tahimik siyang nagiisip ng gulantangin ng cellphone. "Baka reply isip" niya. Pero tawag ang nakadikit sa cellphone: "Call from MoKONG ROOMMATE"

Dahan dahan niyang sinagot ang phone. "NOEL si Roommate Mokong Darios to. Medyo di ko naayos yung pinaginuman ko diyan. yayari lang kasi ng masarap na hithit dito sa tropa eh. Kaw ng bahala diyan ah? k? dude?" medyo pasigaw na sinabi ng mokong mula sa phone.

Unti unting tumayo ang balahibo ni Noel. Kasabay ng pagtayo ng nakatalukbong na babae sa likod niya.

Huli ng lahat paglingon niya. Katapat niya na ang babaeng walang kaliwang mata. Parang karneng kinatay na me buhok na pula, dulot ng nanigas na dugo. Labas and mga ugat at utak sa basag na banga. Nakatitig kay Noel at may binubulong. Nanigas si Noel, at muli ay nasa Elementarya siya.

Bago mawala sa paningin niya ang lalaking nakaharang sa blackboard ay may sinabi ito: "Makinig ka lang". Pagpikit niya'y kaharap niya si Manong Tony sa simbahan ng Quiapo. "Bakla di ka kasi nakinig" sabi ng matanda. "Patay na ba ako?" tanong ni Noel. "Hindi no. Me papaliwanag lang ako bago ka bumalik sa horror movie mo." Lalong naguluhan si Noel. "Bago ka magsalita makinig ka muna. Me dapat kang malaman sa buhay: Yung tinatawag nating KALULUWA." lumunok ang matandang bakla bago tinuloy ang sinasabi."Ang mga kaluluwa ay yaong buhay ng tao.Kahit mawala na sayo yang laman mo, me kaluluwa ka na masasabing buhay. Problema lang ay mahirap kausapin ang kaluluwa kasi walang silang espasyo at oras. Ang kaluluwa meron ding karapatang maglagi sa mundo o kaya ay mapunta kung saan man. Gets mo ba bakla?" tanong ng matanda kay Noel. "Teka para saan ba ito?" tanong ni Noel. "Hay slow ka dear.wala pa naman tayong oras. Naalala mo yung teacher mo ng elementarya? Si Ginoong Tingkad? Kaluluwa yung nakita mo. Nagulat nga yung ibang kaluluwa kasi bihira yung katulad mong nakakakita pa ng Kaluluwa. Marami ay fake katulad ko.hihi. Charoosh. Anyway, pagalis mo kasing school ay namatay si Tingkad habang nagtuturo sa klase. Tapos nagpaparamdam na siya lagi sa lugar na yun. Kaw nga lang yung nakaramdam sa kanya BAGO siya mamatay. GETS?" "Ha? panong nangyari yun" Tanong ni Noel. "Di ka nakinig no? Sabi ko ang kaluluwa walang espasyo at walang ORAS! Kaya nga merong mga doubleganger at mga astral travel kung tawagin" Napaisip si Noel. "At panaginip lang to?" tanong ni Noel sa tanda. "Hindi. Me kelangan kang gawin upang maligtas ang isang kaluluwa. Pero kelangan mong pumunta sa tamang oras at lugar, kung hindi, mananatiling kaluluwa ang babae na nagpapakita sayo."

Nagising si Noel na nakahiga sa kama. Napaupo siyang mabilis. "Lecheng panaginip to" bulong niya sa sarili kung hindi lang sana sa yapak ng putik palabas ng kwarto.

Hindi inakala ni Marian na pati sa simbahan ay susundan siya ng lalaki sa dilim. Kung bakit ba naman kelangan niya pang puntahan ang kapatid sa dormitoryo kaninang hapon. Alam naman ng kapatid niyang meron siyang panata ng pagsimba sa Quiapo ng gabi. Ang daming tao sa unahan ng simbahan, napilitang dumaan ang dalaga sa eskinita. Muling naramdaman niya ang takot ng nakasakay sa jeep kanina. Napalingon siya sa likuran, at naroon ang lalaking nagmamadali. Di siya nagkakamali, yun nga ang lalaki na kasama nung baklang matanda sa simbahan.

"Leche naman. Ba't ako tinatakasan nito" bulong ni Noel sa sarili habang hinahabol ang dalaga na alam niyang nasa panganib.

Mabilis na nakatago sa masmadilim na lugar si Marian. Naghintay siya bago makalayo ang lalaking humahabol. Palabas na siya sa dilim ng hilahin siya ng isang lalaki sa likuran at paghahalikan sa pesnge. Huli niyang napansin ang hininga ng alak bago dumilim ang paningin.

Napansin ni Noel na nawala ang yapak na kanina niya pa sinusundan kaya naisipan niyang bumalik.

Nagising si Marian sa masakit na paghawak ng lalaking nakahubad sa ibabaw niya. Dali niyang nasampal at nasundot ang mata nito. Ngunit malakas ang lalaki. Dahil duguan at nasaktan, bumunot ang lalaki ng baril at tinutok sa banga ng dalaga. "LABAN KA PA HA P^%@ KA!". Alam na ni Marian na malapit na ang kamatayan, ngunit me napansin siyang nakatayo sa likuran ng lalaki. Isang babaeng duguan at nakatingin ng masama..at nagdilim ng lahat.

Nakakuha si Noel ng lakas upang hagupitin ng napulot na kahoy ang lalaki sa ulo. Daglian itong bumalagta sa tabi ng babaeng walang malay. Parehas ng nakahiga ay nakilala niya sa mukha: Ang babae sa simbahan at ang addict na roommate.

AstralistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon