Liham ng isang Ama
©ordinarypen
—————————————
Mahal kong anak,
Kumusta ka na? Nakakain ka ba ng maayos? Sana maayos ang iyong kalagayan diyan, nakakasigurado naman ako na maayos na maayos ka diyan. Miss na miss ka na ni Tatay.
Nagmamahal,
Tatay Jovan.
Inilagay ko na sa isang sobre ang aking liham para sa aking anak, at aking tinawag si Jhonnel, ang taga-hatid ng liham.
"Paki-dala sa aking Anak. Siguraduhin mong mababasa niya yan, Salamat."
"Makaka-asa ka po." sagot ni Jhonnel.
Kinuha ni Jhonnel ang sobre, at kumaripas na ng takbo.
Hay. Isang araw nanaman ng hirap. Maghahanap ng pera at makakain. Bahala na, basta maayos lang ang lagay ng aking anak sa Maynila.
"Naihatid ko na po ang sulat sa iyong anak"
Iba na talaga ang teknolohiya at transportasyon ngayon, ang bilis ng makarating ng mga liham na nais mong ipadala.
"Salamat Jhonnel. Kamusta na kaya ang aking anak?" aking sinabi.
"Sigurado akong maayos na maayos siya Mang Jovan, mabait ho ang iyong anak." sagot nitong si Jhonnel.
"Osiya! Sige. At ako'y maghahanap pa ng pera at makakain." sagot ko.
"Sige po, paalam." pagpapaalam sakin ng araw-araw na naghahatid ng aking mga liham para sa aking anak.
Binigyan ko siya ng ngiti.
"Hoy Jhonnel! Ikaw! Ang kulit mo talagang bata! Nakooo. Sabi ko wag ka ng makipag-usap sa pulubing baliw na iyon eh! Baka mapaano kang bata
ka! Uwe."
"Pero nay, kailangan pong makarating sa anak niya ang mga liham niya."
"Pano?! Eh matagal ng namatay ang anak niyang si Mang Jovan! Mahigit sa limang taon na ang nakaraan! Kaya nga nabaliw yan eh, akala niya maayos ang kalagayan ng kanyang anak sa Maynila, yun naman pala e inaabuso ito, hanggang sa namatay. Anak naman eh, kailan ka ba mapapagod sa pagtanggap ng mga liham galing kay Mang Jovan ha?!"
"Pero nay, naihahatid ko po talaga ang mga liham, nakikita ko po ang anak ni Mang Jovan, nakangiti siya habang tinatanggap sa akin ang mga liham na isinusulat ng kanyang Ama."
"Anak... Paano."
"Ma, nasa likod niyo po ang Anak ni Mang Jovan. Nakangiti."
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories
Short StoryCompilation ng stories na nagpapatunay na ako'y parating bored. Vote if you want to. Okay, bye. xx