Ulan

52 3 2
                                    

Umuulan nanaman, ang pinaka-akmang panahon para magdrama at magsenti.

Neil, asan ka na ba? Mababasa nanaman ako neto, eh.

"Jamiela, sabay ka na sa'kin. Wala ka nanaman atang dalang payong, ikaw talaga."

Tuwing umuulan, paulit-ulit na ganap lang ang nakikita ko. Na naghihintay ako na tumigil ang pagpatak ng ulan, habang ikaw, pinipilit ibigay ang nag-iisa mong payong sa'kin.

"Okay lang ako Neil, hihintayin ko na lang matapos umiyak 'tong mga ulap. Mapapagod rin sila."

Tunay nga na kumakalma ako tuwing umuulan, tila bang musika na ito sa aking pandinig at magandang palabas sa aking mga mata.

"Naiilang ka lang ata sa'kin, heto at ikaw na lang ang gumamit ng payong, para makauwi ka na rin, magdidilim na."

Neil, bakit ang bait mo? Mas inuuna mo ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili mo. Bakit, bakit?

"Salamat Neil, limang minuto na lang, pwede? Ang sarap lang kasi ng pakiramdam kapag umuulan, malamig."

Kapag hihingi ako ng pabor, pagbibigyan mo 'ko, hindi mo na lang sana ako pinagbigyan, nasira tuloy lahat.

"Jamielah, kunin mo na 'tong payong, umuwi ka na, tapos na ang limang minuto. Dalian mo, at baka lumakas pa ang ulan."

Ang galing mo rin magpanggap Neil, ano? Akala ko nag-aalala ka dahil sa paglakas ng ulan, hindi pala.

"Hoy Neil, asan na yung pinapabantayan naming bata? Gago ka ba?! sabing wag papakawalan e! Malaking pera ang makukuha natin dun!"

Neil, bat di mo sinabing hawak ka ng sindikato? Sana natulungan ka namin, sana andito ka pa.

"Pabayaan niyo na lang siya, wala tayong makukuha dun."

Ginawa mo lahat para pagtakpan ako, pero bat di mo magawang iligtas ang sarili mo?

"Pare! Andun ang anak ni Mr. Yee o! Tara!"

Sana pinakinggan na lang kita nang inutusan mo na 'kong umuwi, napahamak ka pa tuloy.

"Jamielah! Takbo!"

Hinarangan mo sila para mailigtas ako, kita sa mukha nila ang pagtataka, bakit mo nga ba tutulungang makalayo ang batang dapat niyong kukunin?

"Umalis ka nga diyan Neil! Hayop! Malaki kang harang! Makakalayo na ang anak ni Mr. Yee!"

"Hindi ako aalis! Kaibigan ko siya. Mamatay muna ako bago niyo siya makuha!"

Yun ang huling narinig ko mula sa'yo Neil, bakit ba pinapasabay mo ang pag-iyak ko at ang pag-iyak ng mga ulap?

"Ayaw mo umalis ha!"

Isang malakas na tunog mula sa baril. Isang malakas na tunog na nagpapahayag ng maari mong pagkawala. Pilit kong baguhin ang iniisip ko, na baka paputok lang yun, na magkikita pa tayo.

Nang nakaligtas na ako, pinuntahan kita ulit. Hindi na ako takot Neil, kasama ko na si Daddy at mga pulis. Pero bakit di mo 'ko hinitintay?

Ilang taon na ang nakalipas, di pa rin mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon. Tuwing umuulan, umiiyak na lang ako, Neil kase, mababasa ako, wala akong payong, asan ka na kase?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon