Unexpressive

68 3 0
                                    

...I thought we'll end up together. Akala ko lang pala.

Story posted.

Hay. Napost ko rin yung story ko sa wattpad! Wait, parang kanina pa nagvivibrate yung phone ko.

3 messages received.

10 miss calls.
Lahat galing kay Vince.

"Babe, I miss you."
"Nakauwi ka na ba?"
"Sagutin mo naman yung mga tawag ko, please."

To: Vince

Yea. Nakauwi na ako. Sorry di ko nasagot yung mga tawag mo, mejj busy kanina. Ge.

Bzzt. Bzzt.

From: Vince

Mahal mo pa ba ako?

-----

To: Vince

Pagod ako. Wag kang magdrama ngayon.
-----

Para-paraan (Vince Calling)

"Tss. Problema mo Vince?"

"Mahal mo pa ba ako? Yung seryosong sagot."

"Onaman."

"Ang unfair mo Rhoanne, ang unfair mo."

"Oo nga sabi e. Ano bang drama yan Vince?"

"Parati akong nag I-I love you. Parati kong ipinapadama sayo na mahal kita. All the care and love. I gave it all. Yung malaman ko lang na mahal mo ako, yun lang, okay na. Pati ba naman sa pag I love you sakin' di mo magawa? Nakakapagod na. Ayoko na. Parang hindi mo ako boyfriend e. Hindi ko feel. "

"So, you're breaking up with me?"

"I love you but I'm too tired. Really tired."

"Ah ge, Happy 5 years and 3 months. Tsaka Happy break-up na rin. Bye Vince."

I pressed the "end call" button.

Call ended.

Aray. Ang sakit. Bye Vince, bye babe.

Kinuha ko yung letter  na ginawa ko nung first day na naging kami. May isa akong box puno ng letters na para sa kanya, pero hindi ko ibinibigay.

Hi Babe,

Di talaga ako makapaniwala na tayo na! Parang dati lang tinitingnan kita sa malayo, kinikilig kapag ngumingiti ka sa akin. Tapos, super duper ultimate crush talaga kita dati, syempre pati ngayon. :) Di ko nga lang pinapakita na kinikilig ako tuwing dumadaan ka sa hallway, tapos nung inadd mo ako sa facebook, kinilig talaga ako nun! Pramis.

Sana forever tayo. I love you. I really do. :)

-Rhoanne.

Ugh feels. Nakakaiyak. Memories.

Binuksan ko yung wattpad account ko. Puno ng works. Stories na tungkol sa amin. Binuksan ko yung story na ginawa ko nung para sa 4th anniversary namin. Oh, throwback.

Title: He's mine

Niyakap ni Rhoanne si Vince

"I love you Vince. :)"
"I love you too babe. :)"

Isinara ko na ang laptop ko. Di ko inaasahang maiiyak ako. Syempre, mahal ko si Vince e. Mahal na mahal. I'm just too unexpressive. Sorry Vince.

5 years and 3 months, never kong sinabi na mahal kita. Thank you for being strong, dahil sa effort mo umabot tayo ng ganun katagal. Sayang yung pinapangarap kong forever. Sinayang ko.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon