Lahat na lang sila ang tingin sa akin ay isang Anghel. Mabait, maganda, at matalino raw ako. Hulog ng langit ika nga.
"Angel, ikaw na gumawa ng activity ha."
"Uy, ikaw yung President"
"Ikaw daw yung incharge sa buong class."
"Pst. Pa-kopya."
"Angel! Yung project natin. Ikaw na bahala dun!!"
Nakakabingi. Pero hindi ko naman kayang mag-"no". Hindi ko kaya. Ang nagagawa ko lang ay tumango, sabay sabi ng "oo", at sabay ngiti.
"Angel, tara uwi na tayo. :)"
Hay salamat. Salamat talaga Jake.
"Wait muna Jake, tatanungin ko muna sila kung may ipapagawa pa sila."
"Tch. Wag na! Pagod na pagod ka na o. Tara na nga." Hinila niya na ako.
"S-salamat."
"Pwede ba Angel, kung hindi mo na kaya yang mga pinapagawa nila sabihin mo, hindi yung puro tanggap ka na lang ng tanggap kahit pagod ka na."
"Ayaw ko silang biguin. Alam mo yan Jake."
"Alam na alam ko! Yun ang problema! Alam kong hindi mo sila kayang tanggihan dahil ayaw mong maramdaman nila ang naramdaman mong pagtatanggi sayo ng Ama mo, ayaw mong humindi sa mga bagay, dahil alam mong may masasaktan. Pero pwede ba, kalimutan mo na yung mga nakaraan, masyado akong nasasaktan tuwing nakikita kitang ganyan! Tama na, please."
"....Jake, mali ang iniisip mo. Hindi ko sila kayang tanggihan dahil baka di ko na magagawa yung mga pinapagawa nila."
"Anong ibig mong sabihin?!"
"..I'm dying Jake. I'm saying yes to everything they're asking for kasi baka bukas wala na ako. Or next week, next year, ewan.
"Sinagot mo rin ba ako dahil..."
"No Jake! Sinagot kita dahil mahal kita."
"Salamat Angel, I love you. I'll be by your side, I promise. Just promise me that you'll be strong. Please."
"Yes. I promise."
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories
Short StoryCompilation ng stories na nagpapatunay na ako'y parating bored. Vote if you want to. Okay, bye. xx