[ Eden. ]"Ha... Haaa.. HACHOOO!!!"
"Ay jusko naman bebe cheese. Oh, ito tissue." Nakangiwing inabutan ako ng tissue ng katabi kong si France matapos kong bumahing ng pagkalakas-lakas. Sumisinghot-singhot na kinuha ko naman ang tissue na inaabot niya at sininga ang sipon ko.
Yuck, kadiri talaga. Ito pa naman ang pinakaayaw kong pakiramdam, yung may sipon! Pakiramdam ko kasi ang lagkit lagkit ng lahat ng bagay tapos ang sakit pa sa ulo. Ayoko rin nitong lagi na lang may parang tutulo mula sa ilong ko, nakakadiri talagaaa!
Kasalanan ni Jiro kung bakit ako nagkasipon, e! Kung di siya lumitaw sa paningin ko kahapon at pinakita na nagmamadali siya, hindi sana ako kinain ng curiousity at sinundan siya! Eh di sana hindi ako naambunan. Tapos nagmamadali pa siya, naiwan ko tuloy yung bag ko kung nasaan yung payong ko kasi nataranta rin ako at baka bigla na lang siyang mawala dahil sa bilis niyang maglakad!
Hays. Oo na, wala naman talagang sense ang sinasabi ko. Naghahanap lang talaga ako ng rason para ibunton kay Jiro ang sisi. Kasalanan ko ba na ganon ako kagalit at kaaburido sa kanya?! Hmp.
"Ano bang ginagawa mo, ha? Buong magdamag ka bang nagbabad sa gatas kaya ka sinipon?"
Sumisinghot na sinimangutan ko si France, "Sinabi ko na, hindi ako naliligo sa gatas!"
Tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Oh, Eden." Napatingala naman ako sa tumawag at nakita si Oreo na inabutan ako ng isang botelya ng tubig. Kinuha ko yun, hindi malamig. "Uminom ka lang nang uminom ng tubig para mawala 'yang sipon mo." Nakangiting sabi niya. Hay, para talagang anghel sa kabaitan 'tong si Oreo!
Ngumiti rin ako ng pabalik sa kaniya, "Salamat. Nasan nga pala si Mello?"
Vacant time, nandito kami sa usual namin na tambayan sa bench sa ilalim ng malaking puno dito sa quadrangle. Wala nga lang si Mello at si Selena babe.
"Kasama ng mga co-officers niya, malapit na kasi yung foundation day kaya sobrang busy nila."
Napakurap naman ako at naitabingi ang ulo. Oo nga pala, foundation day. Pagkatapos rin ng araw na yun ang uwi ni ate Edelle.
"Bebe cheese!"
Nagigitla naman ako na napatingin kay France na nakaupo sa tabi ko at natigilan nang makarinig ng mahinang 'click'. Doon ko napansin na nakatapat pala sa'kin ang camera ng phone niya.
T-Teka! Teka! Kinuhanan niya ba akong picture?! OH MY GOD, hindi ako ready. Hindi ako nakapag-strike ng pose! Baka ang pangit ko dun-- kahit na 0.000009% lang ang possibility na maging pangit ako. Very wrong yun, Francy!
"Francy!" Sinubukan kong kunin ang phone niya pero agad niya yung nilayo.
"Waitsung, bebe cheese! Hindi naman pangit yung kuha ko, e! Ang cute nga eh! Look!" Hinawakan ni France ang braso ko at binaba yun saka niya sa'kin pinakita ang screen ng phone niya. Doon nakita ko ang litrato ng sarili ko, at well aaminin ko... hindi na masama.
Sa picture, bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa pagkagitla, pati ang bibig ko ay bahagya ring nakabuka. Medyo basa ang mahaba kong pilik mata dahil naluha ang mata ko kaka-bahing, pagkatapos ang ilong ko naman ay namumula dahil sa sipon.
BINABASA MO ANG
The School's Fairy | BxB
Teen Fiction[#1 in BoyxBoy as of 05-16-2020] Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena Rivera, ang sikat na man-hater ng school. Pero hindi nya inaasahan na may kokontra sa mga plano nya. Ang asungot na epal na si Jiro Tolentin...