Thirty One - (The fairy concedes defeat)

6.3K 316 109
                                    

[ Eden. ]

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo sa pwesto ko at nakasandal sa pinto, at kung gaano na katagal umiiyak si Jiro sa kabila ng pintong kinasisindigan ko. Hinintay ko hanggang sa unti-unting humina ang pag-iyak niya at maya-maya ay natahimik. Kumunot ang noo ko at naghintay pa ng ilang minuto bago ko buksan ang mabigat na pinto.

Wala akong naririnig na hikbi o ano pa mang tunog na nililikha ng mga taong galing sa pag-iyak. Masyadong tahimik kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Jiro...?"

Tahimik akong naglakad at natigilan ako nang nakita si Jiro na nakaupo sa sahig, nakasandal ang likod sa railing, nakayuko at hindi gumagalaw.

"Jiro." Sinubukan ko ulit siyang tawagin pero hindi parin siya kumikilos. Nakatulog na ba siya? Napagod sa pag-iyak?

Lumapit ako at sa pagkakataong 'to ay narinig ko ang mahina niyang pag-ungol. Bahagyang nanlaki ang mga mata ako at dali-daling lumapit at nag-crouch sa harapan niya. Hinawakan ko ang balikat niya at bahagya siyang inalog habang tinatawag ang pangalan niya, "Jiro. Jiro? Okay ka lang ba? Jiro!" Pero kahit anong pagtawag ang gawin ko ay hindi parin siya sumasagot, tanging ungol lang ang nagiging tugon niya.

Kaya naman naglakas ako ng loob na hawakan ang mukha niya para iangat ang ulo niya. Pero nagulat ako dahil nang sandaling dumampi ang mga kamay ko sa balat niya ay para akong napaso. Ang init niya! Shit, nilalagnat ba siya?!

"Jiro! Aish."

Anong gagawin ko? Maghahanap ng tutulong? Wala akong number ng mga kaibigan niya saka lowbat na ang phone ko! Eh, sa cellphone kaya niya? Sa isiping yun ay agad kong kinapkap ang mga bulsa niya at agad ko namang nakita ang cellphone niya. Pero laking dismaya ko nang makita ko na may password ito. Ugh! Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito dahil baka mas lumala ang karamdaman niya.

Aish! Bahala na nga!

Wala na akong ibang nagawa kundi ang mag-isa na lang akayin si Jiro pababa. Kinuha ko ang braso niya at isinabit yun sa balikat ko pagkatapos ay pinulupot ko ang isang braso ko sa bewang niya. Nagbilang ako ng isa hanggang tatlo bago ko sinubukang tumayo. Mabigat man ay naging successful naman ang unang subok ko at agad na nakatayo habang akay si Jiro.

Grabe naman kasi. Ano ba kasing pinapakain sa kaniya ng mama niya at ganito siya kalusog? Hindi ko alam kung kaya kong maglakad nang akay siya. Pagkatapos nandito pa kami sa rooftop! Anak ng--- Ilang hagdan pa ang kailangan kong lampasan para makababa! Naknampucha naman, kahit walang malay asungot parin sa buhay ko si Jiro!!!

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang maglakad. Jusko, buti na lang at nakapagpalit na ako ng rubber shoes dahil tiyak na iiyak ang mga paa ko kung sakaling gawin ko 'to habang nakasuot ng heels! At buti na lang din, hindi na nagpabigat pa si Jiro. Tulog siya pero nagpatianod siya kaya mas madali sa inaakala ko ang naging pagkilos ko.

Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas ay nagawa na rin naming makababa. Grabe ang tagaktak ng pawis ko, para rin akong nangarera kasama ang mga kabayo dahil sa hingal ko. Nangangalay na rin ang mga binti, braso at bewang ko pero kinaya ko pa naman hanggang sa makarating sa gate ng school. Marami paring tao at nagdasal pa ako na sana may makasalubong ako na kakilala ko o kaibigan ni Jiro pero sa kamalas-malasan nga talaga ng buhay ay nabigo ako. Buti na lang at mabait yung guard na nagbabantay sa gate at agad akong tinulungan na akayin si Jiro.

"Miss, may sundo ba kayo? Gusto niyong tumawag ako ng taxi?"

Napakibot ang labi ko sa ginawang pagtawag sa'kin ni manong guard pero di ko na yun inungutan pa. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon