Twenty - (Under the same roof)

4.5K 286 42
                                    


[ Eden. ]

Nang makuntento na 'ko sa ginuguhit ko ay binaba ko na ang pencil at pinagmasdan ang gawa ko.

A wilted rose.

Hindi ko alam kung bakit ito and idrinawing ko, sabi kasi ni Dra. Valdez iguhit ko lang kung anong unang pumasok sa isip ko o kung anong kasalukuyang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam na ito ang kalalabasan, isang namamatay na rosas. Bago ko pa kasi marealize ay nakita ko na lang na kusa nang gumagalaw ang kamay ko. Hahahaha ang weird man pakinggan, pero totoo. Parang mas may isip pa ang mga kamay ko at nauuna pa silang magisip kaysa sa'kin. So weird.

"Ano 'yan, te?"

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang papalapit na si Frace at Selena. Tumabi silang dalawa sa kinauupuan kong bench dito sa quadrangle. Mainit kasi ang panahon kaya dito ko naisipang tumambay dahil natatakpan ng mga matataas na school buildings sa apat na sulok ang sinag ng araw.

"Assignment sakin ni Dra. Valdez." sagot ko sa tanong ni Frace.

"Doktora?" ang sarap sa tenga ng matamis na boses ni Selena babe. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Mm! Umattend na 'ko ng session na pina-schedule ni ate." sagot ko.

"You mean, pumayag ka nang magpatingin sa psychiatrist?" tila nagugulat pang tanong ni France. Sinara ko ang sketch pad ko at sumandal sa bench.

"Oo... ganun na nga. Pinaliwanag na sa'kin ni Doktora na hindi ibigsabihin na pumupunta sa psychiatrist, baliw na o may sira na sa ulo. Masyado lang kasi akong natrauma sa pangbubully at ginawang paglayo sakin ng mga bata nun kaya naman... hanggang ngayon iniisip ko na baka iniisip rin ng ibang tao na baliw ako." sabi ko. Tuwing naaalala ko kasi na wala man lang nakipagkaibigan sa'kin nun, di ko maiwasang malungkot.

Pwera sa isa.

May isang batang lalaki noon na nilapitan ako at nakipaglaro sakin, pero nawala rin siya di nagtagal at di na ulit nagpakita sakin mula noon. Hindi ko na rin maalala ang mukha at pangalan niya.

Pero alam ko mabait siya, nasaan na kaya siya ngayon? Siguro sikat yun sa kanila kasi mabait saka paniguradong lumaki siyang soooobrang gwapo. At mabait ulit! Nakalimutan ko man ang mukha at pangalan niya, pero di ko makakalimutan yung kabaitang pinakita nya sa'kin.

"Nago-open up ka na."

Napakurap ako, bumalik sa diwa ko, at napatingin kay Selena na matamis namang nakangiti habang nakatingin sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Pakinshet. Ang ganda talaga niya.

"Kaya nga, sabi ng bruhildang si Mello mabuti raw na sign yun kasi it means may trust ka na sa'min, bebe cheese." narinig kong gatong ni France at tahasan na lang akong hinila sa isang mahigpit na yakap sa gitna ng pagmomoment ko! "Bebe cheeeese! Basta lagi mong iremember na we are your friends at you can talk to us anytime ah? Di ka namin ookrayin sa kung ano mang kadramahan mo, pakikinggan ka namin lagi. Basta trust us lang."

Nawala ang pagtatampo ko sa biglaan niyang pagputol sa moment namin ni Selena at ginantihan ko ang yakap ni France.

"Thank you, Francy."

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon