Thirty - (Let it out)

4K 255 28
                                    

[ Eden. ]

"How did you do that?"

"It's just a coincidence, not my doing."

"It's not?"

"It's not."

"It's really not?"

"It's really not. Now shut up bago ko bulasan 'yang bibig mo."

Napanguso naman ako at naiinis na bumulong, "Ang sungit naman nito."

Matapos ng ginawang eksena ni Jiro sa harap ng maraming tao kanina ay dinala niya ako dito sa rooftop kung saan walang katao-tao ngayon. Syempre, sino ba namang wala sa katinuan ang pupunta dito samantalang may kasiyahan sa baba? Uh, I think I just indirectly called myself wala sa katinuan, or did I? Aish, nevermind. Ito rin yung parehong rooftop kung saan kami na-stuck noon ni Jiro habang umuulan. Yung akala ko papatayin niya 'ko? Hehe.

Nakasandal ako sa railing habang nakaharap naman si Jiro sa view, nakatapong ang mga braso sa railing at hinahayaan ang paghampas ng malamig na hangin ng gabi sa kaniyang mukha. Buti na lang at suot ko parin yung costume at wig na bigay sa'kin dahilan para hindi ako masyadong lamigin. Ewan ko nga kung bakit dito kami pumunta! Ang lamig kaya!

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa ginawang eksena ni Jiro. Yun pala yung sinasabi nitong 'tulong'? Grabe, ibang klase.

Pero kahit parang dinurog niya na rin ang masculinity ko sa dahil sa ginawa niya ay nagpapasalamat parin ako ng sobra. Kung hindi dahil sa kaniya baka isang hindi ko kilalang tao ang kasama ko ngayon at ang masama pa, baka yun pang tao na yun ay nagkataon na may ill intention! Mahirap na, iba pa naman ang ganda ko sa suot kong 'to. Oo, yes, hindi ako nahihiyang sabihin na maganda ako! Diba sinabi ko na nga? Halos magkamukha kami ng ate ko kaya kapag naging babae ako, sigurado ako na sobrang ganda ko! Baka nga mas maganda pa kay ate!

Pero nagtataka nga ako, tinawag nilang Ice Princess ang ate ako. Hindi naman cold si ate at mas lalo namang hindi siya nagtitinda ng yelo kaya siya tinawag na ganon! O baka nga? Pfft. Itatanong ko na lang kay ate pagbalik niya, bukas na ang uwi nila ni Ate Sendy eh. Abang na abang na rin ako sa uwi nilang pasalubong!

Hindi kami nagsasalita na dalawa kaya namayani ang katahimikan sa paligid. Tanging mga distant na ingay lang mula sa mga tao sa baba ang naririnig namin.

Habang nagmumuni-muni ay biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni brand ng brip noon, na may taglay rin naman daw na kabaitan si Jiro. Sa mga pangyayari kanina, mukhang tama nga siya. Itong asungot na tila pinaglihi sa sama ng loob, may kabaitan rin palang taglay.

Sa isiping 'yon, di ko maiwasan na mapatingin kay Jiro na may isang metro lang ang layo sa'kin. Malayo ang tingin niya at ang mga mata niya... hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng lungkot habang nakatingin sa mga mata ni Jiro.

"Ano... may problema ba?" Marahan na tanong ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Jiro at hindi ako nililingon na nagsuplado na naman.

"Wala kang pake."

Aba't tingnan mo nga naman, nagbagong anyo na naman si Jiro! Masama na ulit ang ugali niya!

"Nagtatanong lang, eh! Bakit nagsusungit ka na naman?" Nakasimangot na sagot ko. Napangiwi naman ako nang matalim ang tingin na bumaling sa akin si Jiro.

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon