Thirty Eight - (First Lesson)

3.9K 270 73
                                    

Here we go... Arc 2!

[ Eden. ]

Lumipas na naman ang isang araw. Kasalukuyan naming binabaybay ni Selena ang daan patungo sa walang hanggan.

Joke.

Ang totoo, naglalakad kami papunta sa student's lobby para tumambay dahil kakatapos lang ng aming unang klase at may tatlong minuto pa kaming vacant. Naka-angkla ang dalawang kamay ni Selena sa kanang braso ko at nakadikit sa'kin. Para daw ma-enjoy niya ang amoy ko. Di ba nga kasi, isa akong naglalakad na strawberry kung saan obsess na obsess si Selena? Hehehe.

"Babe, ano bang gusto mo sa isang lalaki?" Tanong ko habang naglalakad kami.

Yep. You heard (or read, whatever) it right, napagpasyahan kong 'wag itigil ang pagtawag ko sa kanya ng babe kasi mas nakakapagtaka 'yun kung bigla ko na lang babaguhin, diba?! Kahit pati ang paggamit ko ng shower gel, shampoo at body lotion na strawberry-scented ay hindi ko na ititigil kasi, bukod nga sa malamang ay ipagtataka nila 'yon, ay nagustuhan ko na rin ang amoy! Ang sarap kaya, ang bango-bango ko. Hehehe, parang gusto ko nga minsan kagatin yung sarili para matikman kung lasang strawberry na rin ba 'ko. Teehee. Hindi na rin ako magtataka kung may mga gustong tumikim sa'kin. Oopsie, guys. I'm off-limits, sorry. 'Wag nyo susubukin kundi isusumbong ko kayo kay Mommy!

Okay, balik sa katinuan.

Napatingin naman sa'kin si Selena dahil sa tanong ko at dinutdot ang malambot at natural na rosy kong pisngi.

"Ano bang sinasabi mo, 'di ba nga ayaw ko sa mga lalaki?" Natatawang aniya. Ngumuso naman ako na ikinataas ng isang kilay ni Selena.

"Hindiii, ano lang, sa tingin mo lang. Kung hindi ka galit sa mga lalaki, tingin mo sa anong klase ng lalaki ka may posibilidad na magkagusto? Yung may pinaka-mataas na chance. Ano?" Pangungulit ko.

Napailing siya at dumiretso ng tingin. "Hindi ko alam."

Nagtagpo ang mga kilay ko. "Isipin mo ng maigi, babe! Noong bata ka ba, hindi ka nangarap n'un na makatagpo at makapagpakasal sa isang prince charming? O sa isang magiting na knight na ililigtas ka sa masamang dragon?"

"Well..." Pinaglaruan ni Selena ang ibabang labi niya and boyyyy doesn't that just pulled my attention right off the moment. Kailangan ko pang iiwas ang tingin ko para hindi maakit ng tuluyan. Di nagtagal ay narinig ko rin naman ulit ang boses ni Selena, "When I was a kid, pinangarap kong magpakasal sa isang lalaki na katulad ng dad ko." Natawa sya sa sarili. "I regretted it, though. Dahil ang dad ko ay isang malaking tarantado. Kaya nga sinabi ko sa sarili ko, hindi ako kailanman magmamahal ng isang lalaki dahil lahat sila ay manloloko, manggagamit at gago."

Saglit akong napatikom ako ng bibig. Pero maya-maya rin ay nagsalita, "Hindi naman lahat, eh..."

"Maniniwala lang akong meron ngang matinong lalaki kapag nakakita ako ng isa. Pero wala, eh. Lahat ng lalaking nakikilala ko, pare-pareho lang ang mga ugali gaya ng tatay ko. Yung naging boyfriend ni ate, yung mga naging boyfriends ni France na ginamit at pinerahan lang sya, at pati si Jiro at yung mga kaibigan nya." Humigit sya ng hininga at tumingin sa'kin. "Siguro kung naging lalaki ka lang, baka mapabago mo ang isip ko." Natatawang aniya, pero bakas rin ang pagkaseryoso sa mukha nya.

Natememe ako. Anak ng... May pag-asa pala talaga ako kung sakaling hindi ako nagpanggap na bakla?!

Huhu, pwede ko bang bawiin yung sinabi kong mamatay na ang tumalikod sa pangako?

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon