School trip: 9

314 4 2
                                    


***

***Kotoko POV

Ng nakaabot na kami sa isang gate nagulat kami ng may nakita kaming tao sa gilid ng puno nito.Natakot kami ni Tintin at kimini nito lalo nat may kumislap na matalas na bagay nito sa kamay.

Napaatras kaming tatlo nito ng lumapit saamin at doon namin nalaman na babae ito. Si Amanda.

" A--Amanda? " Sabi ko na may kaba sa dibdib.

" Tumakas na kayo bilis " Biglang sigaw nito.

Naguluhan kaming tatlo nito at nagtinginan.Akala namin papatayin kami ni Amanda pero tutulong pala sya.

" Bakit mo kami tinutulungan? anong rason?" Tanong ni Tintin.

" Kasi...Ayaw na nyang magtrabaho dito"

Natigilan kami ng makita namin ang nagsalita.Si Jiangchen. Hirap na hirap itong naglalakad hawak ang beywang nito na may dugo. Nilapitan namin sya at inalalayan.

"Jiangchen" Salita ko.

" Wala ng oras!umalis na kayo" Sigaw ni Amanda.

" Pero nakasirado na ang gate!"Sigaw ni Kimini.

"May susi ako...Ahhhh!!" Napasigaw si Amanda nito.

Doon kami nagulat ng may panang naka tusok na sa likod nya nito bago pa nya maibigay ang susi ng gate.Nakita ko na may paparating na mga itim na lalaki nito,sobrang dami nila kaya mas lalo kaming kinabahan at di alam ang gagawin.

" Kotoko! ang susi!" Sigaw ni Jianchen saakin.

Napatingin ako kay Jiangchen at tumango,kinuha ko sa kamay ni Amanda ang susi nito ng biglang magsalita ito.

" Kotoko...pag oras na.. *cough* Mabuksan mo ang gate*cough* Kayo na ang kauna unahang tao na makakatapos *cough* ng Sumpa "

Nagulat ako sa sinabi ni Amanda nito,at doon sya nawalan na ng buhay.Pag tingin ko sa likod malapit na ang mga itim na tao nito saamin kaya tumakbo kaming  apat papunta sa gate.

" Tintin ikaw ang magbukas ng gate! hito ang susi! "sigaw ko sabay hagis kay Tintin ang susi nito.

Kami naman ni kimini tinulungan si Jianhchen na maglakad ng mabilis para makaabot kami sa gate.

"Matatapos rin ang sumpang ito"Sigaw ko.

" Sumpa?"Tanong ni Kimini.

" Sabi saakin ni Amanda...sa oras na mabukasan natin ang gate...Tayo ang ka una unahang tao ang makakatapos ng sumpa ng paaralan na ito" Paliwanag ko.

Dahil sa sinabi ko,lumakas ang loob namin na bilisan ang pagtakbo namin hangang sa makaabot na kami nito.Si Tintin sinimulan ng hanapin ang susi na kakasya sa lock nito.

" Pagod na ako Kotoko" Sabi ni Kimini ng mapahandusay na sa lupa ng makaabot na kami.

" Tiisin mo Kim..Makakalabas tayo dito" Salita ko.

" Malapit na sila...kailangan nating bilisan" Salita ni Jiangchen.

" Kotoko! saan dito ang susi? na kakasya sa gate? masyadong marami ito" Sigaw ni Tintin.

" Hindi sinabi ni Amanda saakin...hanapin mo lang" Sigaw ko na may paghihina na dahil sa pagkatusok ng tuhod ko sa kahoy kanina at nag bebleeding na.

Nakita ko ang lungkot at takot ni Kimini sakanyang mga mata,may sugat din sya sakanyang paa at tuhod kanina sa pagmamadali namin.

Nagulat kami ng matumba si Tintin nito sa pagkakatayo nito.Nakita ko na may isang lalaki ang may dalang pana at papanaan sana kami nito ng prinotektahan kami ni jiangchen.

" Ahhh!! kotoko! tumakas na kayo!" Sigaw nya.

Mabilis kong kinuha ang susi sa kamay ni Tintin nito ng biglang nabuhay bigla si Tintin.Biglang hinigpitan ang pagkhawak nya sa susi nito.Mas nasindak ako ng pula ang mata nito at ngumiti na parang demonyo.

" Sa tingin nyo makakatakas kayo?" Salita nito at bigla akong sinipa ng malakas kaya natilapon ako ng malakas sa isang puno.

" AHHHHHH!!" Sigaw ko sa sakit ng likod ko sa pagkakatama nito sa puno.

" Kotoko! " sigaw ni Jiangchen.

Nakita ko na malapit na ang ibang nakaitim nito,kitang kita ko rin ang takot ni kimini at pagod ni Jianchen.

" Mamatay kana " sigaw ni Tintin ng sasaksakin sana ako nito ng tinulungan ako ni kimini.

Napaatras ako nito.

" Kotoko! Gawin mo na! buksan mo na ang gate!" sigaw nya.

Tumayo ako nito at kinuha ang susing nahulog ni Tintin kanina.Kinalma ko ang aking sarili at isa isa kong ginamit ang lahat ng may nakita akong kakaiba na susi sa lahat. At doon ako napapikit.

" Kotoko! alam kong kaya mo yan! malakas kang tao at alam kong hindi ka susuko!" Sabi ng mga kaibigan ko.

" Ikaw yung tipong tao na hindi sinusukuan ang isang bagay. Im proud that you are my student "Teacher Elena at Thelma.

" Anak...mahal na mahal ka namin,at mabaet kang anak,at manang mana ka sa lakas ng loob saating mga pamilya.Walang isa saating pamilya ang mahihina.Kaya mo yan Kotoko" Aking pamilya.

Maraming,magagandang salita ang naaalala ko,at itoy nagpapalakas saakin pag nasa mahirap na sitwasyon ako.Kaya....

"Gagamitin ko ito para sa lahat!" Sigaw ko.
At doon ko pinasok ang susi sa kandado nito. At lahat ay nag-iba....




School tripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon