Unang Kabanata: Bakit?
*Luke's Point of View*
First day of classes.
Fourth Year na ako sa wakas.
Last year na ng High School.
At sa di inaasahang pagkakataon, nai-transfer ako. Nahiwalay ako sa barkada ko. Nawalay ako sa mga taong tatlong taon kong nakasama at nakasangga. Di bale may Facebook naman.
Last subject na namin. Less serious na dapat ako sa pagpapakilala ko.
"Okay class, introduce yourselves in front. And don't forget to mention your motto. It is vital to one's personality." Kanina pa salita ng salita si Mr. Tiangco, ngayon lang ako ginanahang makinig.
Nung sumakto na sa akin, kinakabahan pa rin akong tumayo. Pero anong magagawa ko? Stranger ako eh. Ganun talaga.
"Good Morning new classmates. My name is Luke Monforte. 16 years old and I believe in the saying: KEEP OFF THE GRASS. Thank you." Pagkaalis ko sa harapan, umalingawngaw ang malulutong na tawa ng mga bago kong kaklase. Napangiti naman ako kahit papaano.
Sunod namang tumayo yung napakatahimik na lalaki sa tabi ko. Naapakan pa yung sapatos ko. Buti na lang hindi bago. Tsk.
"Hello classmates. My name is Ian Jasper Monje, a transferee. Aanhin mo ang gwapo kung madumi naman ang kuko? Thank you."
Napatunganga yung ibang lalaki sa mga kuko nila samantalang yung mga babae naman, halos mahimatay nung dinaanan ni Ian.
Umupo na uli siya sa tabi ko at binulungan ako.
"Pwede ba kitang maging kaibigan? Pareho naman tayong transferee eh." Punong puno ng hininga yung boses niya. Natawa lang siya kasi nakiliti ako.
"Bakit naman?" Sagot ko.
"Anong bakit? Ano to? Banat?" Balik niya sa akin. Ngumiti na lang ako sabay tango sa kanya.
Nakipag-kamay siya sakin habang nakangisi ng sobrang laki. "Wew. Salamat Luke. You can call me Ian. Mas gusto ko yun. Pero mas gusto kita."
"Ang daldal mo. Ang ingay mo pa. Di mo na tuloy marinig yung puso ko na patuloy na sinisigaw ang pangalan mo." Bulong ko sa kanya sabay kindat.
"Wew dre. Kinilig ako dun ah!" Wow. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking kinikilig. Astigin.
"Sinimulan mo eh. Eh di pagbigyan. Last subject na to, sabay na tayo umuwi gusto mo?" Yaya ko sa kanya.
"Sige ba Luke. Pero pag uwi mo, ibenta mo na bahay at lupa niyo." Sabay akbay sa akin.
Kumunot ang noo ko at binalingan siya ng tingin. "Bakit?"
"Libre namang tumira sa puso ko eh." Sabay tapik sa balikat ko.
Kung babae lang siguro ako, kanina pa ako natunaw. Wala mga tol. Mababading yata ako ng di oras nito.
*Ian's Point of View*
Pagkarating ko sa bahay, nagaabang sa labas yung Ate ko. Nakita niya si Luke na kaakbay ko.
"Ian, umamin ka. Syota mo yun no? I wouldn't take no for an answer!" Sus. Demanding si Ate. Eh di sakyan natin.
"Ayaw mo ng NO? Eto: hindi ko pa siya syota." Sagot ko. Sabay akyat sa kwarto.
"Gaga ka pala eh. Binibiro lang kita nuh." Sigaw niya mula sa baba.
Yeah yeah. Whatever.
Nga pala sayang, di ko nakuha yung number niya. Tsk.
Nakahanap nga ako ng bestfriend, wala namang number sa akin. Katangahan nga naman kapag sumusumpong.
Pagkatapos kong kumain may nagtext, number lang naman.
*One Message Received*
*Low Ian. Luke here. Paki save naman oh. Hiningi ko pa talaga sa school registrar yung number mo. Namimiss na kita eh. Ingat! :D*
Tumayo lahat ng balahibo ko. Nabuhayan bawat sulok ng katawan ko. Astig nun. Nag-effort siya para mahanap yung number ko. Pwede namang bukas ah?
*Tol nag-effort ka pa. Salamat. Alam mo sa dinami dami ng banat ngayon, wala na akong maisip na babagay sayo. Kundi ako.* Reply ko sa kanya.
*Ian, wag kang masyadong bumabanat sa akin ha? Nga pala, ninakaw mo ba yung gravity?*
*Bakit naman?*
*Kasi nahuhulog na ako sayo eh.*
*Boom. Tulog na tayo aking minamahal na kaibigan. Sana ako din mahalin mo. Wahaha. Joke. Sweetdreams. Love you.*
*Love you too.*
Wew. Nagreply siya. Sa lagay na to, sa tingin ko hindi na ako nagbibiro. Pero sige, for the sake of everything hindi na ako masyadong babanat. Nakakahiya na eh.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Joke Lang? (boyxboy)
Teen FictionMay mga taong mahilig magpatawa, mahilig magbiro, mahilig sa kulitan.. Kadalasan sila yung mga taong tine-take for granted. Ina-underestimate. Pero deep inside, tao din yang mga yan. Sometimes di nga lang natin alam kung biro ba yung sinasabi nila o...