Ikapitong Kabanata

9.1K 233 14
                                    

Ika-pitong Kabanata:

Bugso Ng Damdamin

** Luke's POV **

"Nay, Tay, Kuya, bago ang lahat gusto kong malaman niyo na mahal ko kayo." Sabay ngiti sa kanila bago kumain. Binato naman nila akong tatlo ng tingin na hindi mo maiintindihan kung wala ka sa lugar ko.

"Tay, salamat sa pambubuntis mo kay Nanay. Nay, salamat sa pag-ire at pagsilang sa akin. Kuya, salamat at nauna ka. Hindi sana ako spoiled ngayon. Salamat sa inyong pagmamahal sa labing-anim na taon na ipinalagi ko dito sa mundong ito." Ngiti nanaman ako. "May medical certificate na ako. Kung inyong mamarapatin ay pakibasa na ng sabay-sabay upang tayo ay makakain na."

"Luke ano ka ba!" Tumawa si Kuya. Sabay hablot ng papel na hawak ko. Sana makatawa pa sila pagkatapos nito.

Limang minutong katahimikan ang nangibabaw sa buong tahanan. At nung lahat sila ay nakarating na sa ikatlong talata ng confidential letter, biglang napatayo si tatay at binalibag ang mesa.

"Tay wag." Tinignan niya ako sa mata at niyakap ko siya. Unti unti niya akong niluhuran at humagulgol sa hita ko.

"Tol. Tol bakit naman ganun? Utol. Pano na ako?" Hawak hawak ni Kuya ang kamay ko. Si Nanay ang huling lumapit sa akin. Siya ang pinaka-kalmado. Ngunit kung maaari lang mabasag ang dibdib sa sobrang sakit, kanina pa puno ng bubog ang bahay namin. Ako na mismo ang lumapit kay inay.

"Nay. Gusto ko maalala niyo ako palagi. Malapit na akong umalis. Isipin niyo nagkukulong lang ako sa kwarto ko dahil pinagalitan niyo ako. May diary naman ako. Kaya kapag namimiss niyo ako, basahin niyo na lang yun."

Tumango siya. At nung niyakap ko siya, dun siya naglupasay. Dun niya nilabas. Sa dibdib ko siya nag mukmok. Inamoy ko ang buhok ni inay na amoy conditioner.

"Walang magbabago sa pakikitungo niyo sa akin, kayong tatlo makinig kayo. Nay, Tay, Kuya, ayoko ng special attention. Gusto ko yung dati. Para parang walang mangyayari. Ang magbubukas ng topic na to ay babalatan ko ng buhay at pagugulungin sa asin. Mahal na mahal ko kayo po kayong lahat."

Tumango silang lahat. At nakaramdam ako ng ginhawa.

"Siya nga po pala, walang magrerelay ng balitang ito sa iba. Sa atin lang."

** Ian's POV **

"Lumayo ka na sa akin. Naiinis ako kapag nakikita kita. Kasi nawalan na ako ng tiwala sayo."

Siguro kapag sinabihan ako ng ganyan ng taong mahal ko, magugunaw ang mundo ko.

Pero ang reaction ni Luke pagkatapos kong sabihin sa kanya yan, ngumiti pa siya. Tumalikod at naglakad papalayo.

Sa gitna ng basketball court ko sinabi sa kanya yun last week. Kasi daw gusto niya akong makausap. Gusto niya daw akong maging bestfriend ulit. Gusto niyang humingi ng isang araw.

Pero pilit kong tinatakasan yung tanong niya. Hindi ba niya maintindhan yung napakasimpleng bagay na yun na gusto ko siyang layuan dahil ayokong makasakit ng tao?

Sa classroom kanina palihim na lang akong tumitingin sa kanya.

Hindi na rin kasi siya nagtetext. Di niya ako kinakausap, di niya ako ina-approach. Nginingitian lang niya ako. At naiinis ako sa gawain niyang iyon.

Nakangiti siya pero yung mata niya gustong lumuha, nagmamakaawa. Parang may pinapahiwatig. At minsan gusto ko na siyang lapitan pero wala rin akong mapapala.

Napaka-helpless ko ngayon.

Nagka-girlfriend nga ako pero panakip-butas lang naman. Binabaling ko lang sa kanya yung pagmamahal na dapat nakalaan para kay Luke.

** Luke's POV **

Alam na ng buong klase. Ngunit ang pinakabilin-bilinan ko sa mga kaklase ko ay wag na wag nilang ipapaalam kay Ian. Sigurado akong maaawa yun sa akin.

Ayokong maging magkaibigan kami ulit dahil sa punyetang "awa" na yan. Hindi ko kinailangan ng simpatiya sa buong buhay ko at kelan man di ko kakailanganin yun.

Yung eksena namin sa basketball court, pinilit ko lang naman ang sarili ko. Sabi ko last na to, kung ayaw pa rin niya, titigil na ako.

Tumigil naman ako. Pero hindi ko mapigilan yung ulo ko na pumihit at tumingin sa direksyon niya. At kahit gusto kong kiligin sa bawat pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, hindi na iyon ang priority ko.

"Ui Luke, nagnonose bleed ka." Tapik ni Sheila sa akin. Tumayo ako pero hinila niya ako paupo. "Ops diyan ka lang Luke, kukuha lang ako ng incliner." Sabay takbo.

Nung makarating na siya, lumalabo na yung paningin ko. Pero nararamdaman ko na nilagyan na ni Sheila ng patong yung batok ko para hindi na tumuloy ang pagdudugo ng malanding ilong ko.

"Sheila, pakibantayan naman ako please. Di ko kayang magmulat ng mata, matutulog na lang ako." Bulong ko ng mahina kay Sheila.

"Dito lang ako." Sabi ng isang boses na hindi ko inaasahang marinig sa ganitong pagkakataon.

"Ian?"

"Luke?"

"Ah, eh. Uhm, salamat." Napaka-awkward naman ng situation na to.

"Ano bang meron sayo?!"

"Nosebleed."

"Obvious nga."

"Uhmm."

"Pinaalalayan ka lang sakin ni Sheila, pagkatapos kalimutan mo nang nangyari ito."

Nakapikit naman ako kaya kunwari hindi ko narinig. Bakit kailangan pa niyang sabihin ang ganun?

Nakakasakit na siya.

Sobra na.

Akala Ko Joke Lang? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon