Ang Huling Kabanata:
Laging Nasa Dulo
** Ian's POV **
Sa huling gabi ng burol niya, dumalaw na lahat ng members ng faculty. Lahat sila nagpamalas ng dalamhati at panghihinayang dahil sa pagkawala ng isang napaka-kulit ngunit napaka-bait na estudyante.
Nung gabing iyon din nagsink-in sa akin na wala na talaga akong magagawa kundi ang magbago para sa ikabubuti ko. Tama naman si Nicko.
Masakit dalhin ang napakabigat na sampal ng pagkabigo sa isang bagay na sigurado akong napagtagumpayan ko sana kung maaga kong na-realize. Hanggang pagsisisi na lang ako.
Kanina bago siya dinala sa kanyang magiging huling hantungan, siguro lahat kaming mga kaklase niya ay nagbigay ng eulogy. Lahat kami nagsalita sa harap para alalahanin ang kanyang masasayang araw.
Mula sa "Good Morning new classmates. My name is Luke Monforte. 16 years old and I believe in the saying: KEEP OFF THE GRASS. Thank you", hanggang sa "Paki-excuse naman ako sa klase natin mamayang hapon, kailangan kong magpahinga eh."
Masakit.
Mahirap.
Minsan naiisip ko, baka nananaginip lang ako.
O kaya naman minsan iniisip ko na kapag papasok ako sa classroom namin nandun yung Luke na naghihintay sakin para balitaan ko sa mga bagong pangyayari sa mga iniidolo niya.
Si Luke na hindi ko matanggap na minahal ko hindi bilang isang kaibigan ngunit bilang isang taong nakakapag-dulot sa akin ng saya araw-araw. Bilang isang tao na lagi kong hinahanap-hanap kahit katabi ko na.
Itinakda ito ng Diyos.
Nagmamahal tayo para matuto.
Kahit pa sabihin nilang "Love breaks but also destroys." Alam mo sa sarili mo na may natutunan ka. And when things are falling apart, they may actually be falling into place.
At higit sa lahat, hindi lahat ng tao binibigyan ng oppurtunity para mahalin ang bestfriend nila na willing ding ibalik sa kanila ang pagmamahal. Kaya hangga't nasa harap mo pa, i-kadena mo na sa puso mo.
Bago pa siya tangayin ng tadhana.
~~~~~~
Oo alam ko bitin. Nako. Di pa ba kayo sanay? Di bale nasimulan ko na yung bago kong story and abang-abangan niyo nalang. Balik tayo sa Tag-Lish folks, di ko kaya ng pure Tagalog. Lalabas ang medulla oblongata ko sa sobrang nosebleed.
Salamat nga po pala ng maraming marami sa lahat ng nagbasa, nagvote at nagcomment.
~W
BINABASA MO ANG
Akala Ko Joke Lang? (boyxboy)
Teen FictionMay mga taong mahilig magpatawa, mahilig magbiro, mahilig sa kulitan.. Kadalasan sila yung mga taong tine-take for granted. Ina-underestimate. Pero deep inside, tao din yang mga yan. Sometimes di nga lang natin alam kung biro ba yung sinasabi nila o...