Ikalimang Kabanata

9.6K 216 10
                                    

Ika-limang kabanata:

Ang Pagtutuos.

* Ian's POV *

"Bakit pinagkakalat mo na sinasabihan kita ng I LOVE YOU?"

Namumula ako sa galit ngayon, hawak ko ang kwelyo ni Luke habang plastado siya ng pwersa ko sa dingding.

Nakaka-bwisit. Nakaka-inis. Sirang-sira na ang image ko sa school. Bakla daw ako.

"Kelan pa naging masama ang magsabi ng totoo?" Sagot niya habang nangingilid ang luha sa mga mata.

"Ang tanong bakit kailangan mong ikalat?! Nadadamay ako sa kalamyaan mo!" Sigaw ko sa mukha niya. Dumaloy ang kanina pang pinipigilan niyang luha.

"Sorry." Bulalas niya habang nagpipigil ng hikbi.

"SORRY?! Anong magagawa ng sorry mo ngayong gasgas na ang pangalan ko sa publiko?" Baling ko ulit sa kanya.

"Sorry Ian. Sorry talaga."

"BULLSHIT!" Sinuntok ko ang pader at dahan-dahan akong napangiwi sa sakit na unti-unting lumamon sa kamao ko.

Tinanggal ko ang pagkakahigpit ng isa ko pang kamao sa kwelyo niya. Dali-dali niyang hinawakan ang isa kong kamay na dumudugo. Naluluha ako sa sobrang galit. Nawala ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pilit kong iwinaglit ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko.

"Alis."

"Pero Ian yang kam--"

"Punyeta alis sabi eh!"

Muli niyang ibinuka ang bunganga niya at ang tanging katagang namutawi sa mga labi niya ay hindi ko nasikmura.

* Luke's POV *

Nasabi ko lang naman sa isang kaklase namin na sinasabihan niya ako ng I LOVE YOU. Pero hindi ko naman intensyon na ipahiya siya.

Ganun pala kasakit.

Ganun pala ang pakiramdam.

Harap-harapan kang kamuhian ng taong palagi mong inuuna. Yung taong naging mundo mo na. Yung taong natutunan mo nang mahalin.

"Punyeta alis sabi eh!"

"Narinig ko na ang hinihintay kong marinig. Kaya kung yan ang gusto mo, gagawin ko. Pero Ian gusto kong malaman mo na mahal kita. Mahal na mahal. Paalam."

Hindi ko na halos makita ang daraanan ko dahil sa luha sa mata ko. Pero pinilit kong dalhin ako ng paa ko sa aming tahanan.

Ngunit hindi pa ako nakakarating ay sumuko na ang katawan ko. Nawalan ako ng malay sa may gate namin at naramdaman kong naitama ang batok ko sa semento bago ako tuluyang hinigop ng kadiliman.

***

Minulat ko ang mata ko. Naka-ilang kurap na ako ngunit puro itim ang nakikita ko. Sa pang labing-apat na kurap ko, nakita ko ang nanay kong magulo ang buhok.

"Buti gising ka na anak! Nakita ka ng kapatid mo na nakahandusay sa may gate. Hindi ka namin magising kaya dinala ka namin dito." Tumango ako at tinignan ang paligid.

Isang ospital.

"Wag kang mag-alala anak, wala namang nakitang mali sayo. Pagod ka lang daw at nangangailangan ng pahinga." Singit ng tatay ko. "Pwede na daw tayong umuwi kung wala ka nang nararamdaman."

"Sige po Nay, Tay. Tara na."

***

"Ui balita ko nabagok ka daw. Okay ka lang ba?"

"Luke, okay ka lang?"

"Magaling ka na ba Luke?"

Ang daming tanong. Tango lang ako ng tango at ngiti ng ngiti para naman maniwala sila. Di naman ata grabe yung pagkakabagok ko.

Naaalala ko pa naman na mahal ko si Ian..

Si Ian..

Si Ian na dapat nangungumusta sa akin. Si Ian na dapat umaalalay sa akin.

Si Ian na nasa computer shop ngayong lunch break at naglalaro ng Dota. Si Ian na hindi naglalaro ng computer games dahil binawalan ni Luke.

Si Ian..

Akala Ko Joke Lang? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon