Ika-walong Kabanata:
Almost Seventeen
** Luke's POV **
Naks. Birthday ko na bukas. Akalain mo yun mararanasan ko pang maging 17 bago ako mamaalam. Ang daming bati, wala pang alas dose ng tanghali napuno na yung inbox ko. Kamusta na lang mamayang gabi?
Naglalakad ako papuntang school, ang sarap sa pakiramdam nung halik ng init araw sa balat ko. Para naman mangitim ako konti. Mas maputi na kasi ata ako sa kili-kili ni Kris Aquino eh. Tska si Inay, pinaglalagay na ako ng kaunting bahid ng lipstick para hindi ako masyadong maputla. Effective naman, mukha nakong normal.
"Oi Sheila, pasabay naman please." Bati ko kay Sheila. Alam niyo, si Sheila yung tipo ng babae na maganda, sexy, matalino pero kerengkeng. Napaka-kalog.
"Ayoko nga. Hintayin mo na lang si Ian. Sigurado ako bubuhatin ka pa niya para di ka mapagod."
"Nga-nga!"
"Weh, joke lang Luke. Tara na nga, alam ko namang dadaan ka pa ng canteen para bumili ng pinakamamahal mong Chuckie."
"Bakit mo alam?!"
"Nabasa ko kaya yung mga conversation niyo ni Ian. Yung meron pang I love you forever blah blah blah."
"Paano mo nabasa?"
"Malamang pinabasa niya sa amin. Halos magkandagulo-gulo nga ang nervous system namin kakaisip kung paano ka namin mapapapayag na sabihin na sa kanya bago pa mahuli ang lahat."
Natameme ako.
Para akong pinatayan ng spotlight.
"Alam mo Sheila, huli na ang lahat."
"Luke hindi yan totoo. Sabi nga nila, when it comes to love, nothing is never too late."
"Mahal ba niya ako?"
"Sa tingin mo?"
"Hindi."
"BOBO! Tara na nga!"
Pagkahiga ko sa kama ko, nakaramdam ako ng isang napakatalas na pananakit ng batok ko.
Bumangon ako pero hindi kaya ng katawan ko kaya bumagsak uli ako sa higaan ko. Hinayaan kong mawala ang sakit hanggang sa bumilis ang tibok ng puso ko, bumagal, at hanggang unti-unti ko nang hinahabol ang hininga ko.
Oras ko na.
Nagmistulang movie house ang utak ko. Para akong nananaginip. Ang mga palitan namin ni Ian ng matatamis na salita ay naging isang palabas sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Joke Lang? (boyxboy)
Teen FictionMay mga taong mahilig magpatawa, mahilig magbiro, mahilig sa kulitan.. Kadalasan sila yung mga taong tine-take for granted. Ina-underestimate. Pero deep inside, tao din yang mga yan. Sometimes di nga lang natin alam kung biro ba yung sinasabi nila o...