Ika-anim na Kabanata

9.2K 227 11
                                    

Ika-anim na Kabanata:

Kakayanin mo ba 'to?

** Ian's POV **

~2 months after~

Kahit ilang beses kong i-deny sa mga tao sa paligid ko na hindi ko namimiss si Luke, isa lang ang ayaw maniwala.

Ang sarili ko.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula noong nag-away kami. At sa dalawang buwan na yun na-realize ko na dapat hindi ko na pinahalagahan yung image ko.

Na sana binalik ko na lang yung pagmamahal niya sa akin. Na sana pinaramdam ko sa kanya yung mga bagay na dapat niyang nararamdaman ngayon.

Ilang beses niyang sinubukang makipag-ayos sa akin ngunit hindi ko magawang tanggapin. Para na rin ito sa ikabubuti niya. Para di siya umasa at masaktan nang dahil lang sa akin.

Palagi ko siyang nakikitang masaya. Panay ang tawa niya sa classroom namin. Pinaparinig talaga niya sa bawat sulok ng eardrum naming mga classmates niya ang napakalutong at nakakahawa niyang halakhak.

Nakakainggit siya.

Buti pa siya nakapag move-on na.

Ngunit may mali.

Namumutla siya palagi. Napapansin ko yun dahil hindi naman siya puti eh, mestizo siya. Mamula-mula ang pisngi at labi.

Pero nitong mga nakalipas na araw at linggo, nagmumukha siyang zombie. Wag kang tumawa, nakakabahala eh.

Tumatawa siya.

Tumatawa ng tumatawa habang pinagmamasdan ko ng palihim. Ngiti siya ng ngiti sa direksyon ko.

At bigla na lang siyang umupo at hinawakan ang ulo.

** Luke's POV **

Naglakad ako papuntang Medical City, tanghaling tapat ngayon kaya walang masyadong pasyente.

"Oh Mr. Monforte, panay ang dalaw mo dito ah?" Bati sakin ng doktor.

"Doc, bakit po lagi akong inaantok? At tska panay ang sakit ng ulo ko. Parati akong may migraine. Iniinom ko naman po yung nireseta niyong painkiller pero wala pa rin pong nangyayari."

"Nako Luke, wag mong ini-ignore yan. If you could, have a CT Scan and MRI as soon as possible. Kung pwede nga ngayon na eh. Ipupuslit na lang kita para libre." Sabi niya gamit ang napakahinhin na boses. Ngunit nakasulat sa mukha niya ang pagkabahala.

"Doc, may mali po ba sa akin?" Tanong ko habang kumakabog ang dibdib ko.

"Wala naman akong nakikitang mali sayo. Bukod sa namumutla ka. Halika na, tara na sa quarters ng mga Med Tech. Ako naman ang boss dito kaya pwede kitang ipuslit."

"Salamat Doc. Maraming salamat po talaga."

"Nako wala yun. Nakakabahala kasi."

Ihiniga ako sa isang matigas na platform. At pinapikit ako. Nang naidaan na ang buong katawan ko sa machine, bumangon na ako at nagsapatos.

Hinaplos haplos nung Doktorang nag-examine sa akin yung mukha ko. Kinurot kurot ang pisngi at pinadaan niya ang kamay sa buhok ko.

"Mr. Monforte. Nako bawal kaming mga doctor na maging ganito ka-affectionate sa mga pasyente namin. But you are an exception." Namimiyok ang boses niya habang naluluha. Ang drama naman.

"Okay lang yun dok! Ikaw naman. Wala namang makakaalam!" Sabi ko habang ngumingiti.

"Luke, nabagok ka ba?" Maiging tanong sa akin ni Dra. Beatriz.

"Opo. Two months ago po ata." Sagot ko. Habang nakakunot ang noo.

"Saan banda sa ulo mo?"

"Sa batok po doc."

"Luke, makinig kang mabuti ha?"

"Opo doc."

"Asan ang mga magulang mo?"

"Nasa work po."

"Di bale. Tatawagan ko sila."

"Ok po."

"Luke, may internal hemorrhage ka. That alone can be cured. Pero Luke.."

"Yes Doc?"

"Napasok na ng dugo ang utak mo. 60% ng utak mo, ayon sa CT Scan, ay na-pasok na ng dugo."

"Ok po Doc. May solusyon pa po ba ito?" Nangangatog ang buong pagkatao ko. Alam ko kung ano ang internal hemorrhage at alam ko rin kung anong posibleng mangyari kapag napasok ng dugo ang utak mo.

"Luke.." Niyakap ako ni Doctora. "Luke, I'm sorry to tell. Anytime soon you'll succumb to this."

Wala akong naramdaman nung sinabi niya yun. Parang wala na akong reaction. Namatay na ang pagkatao ako eh. Two months ago pa. Simula nung nag-away kami. This is like dying the second time around.

"Doc, salamat po sa lahat. Salamat Doc. Ako na po ang bahalang magsasabi sa mga magulang ko."

"You're so brave Luke. You're so brave. I will always pray for you."

Akala Ko Joke Lang? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon