2

18.2K 71 6
                                    


"ISAY TIGIL MO NANGA YAN!" Sabe ko at kinuha ko yung yosi.

"Tsk. Naman oh! Kj" sabi nya at umirap

Ang takaw takaw sa yosi ng babaeng ito jusko. Sa isang araw nakaka lima or higit pa sya don.

"Baket kaba kase nag yoyosi?? Ahh alam ko na, siguro di ka pa nakakamove on kay tyler noh? Yiieee di pa nakakamove on" panunukso ko sakanya habang tinu tusok tusok ang pisngi nya.

Tinampal nya agad yung kamay ko "heh! What's the connection of smoking sa nararamdaman ko sakanya? I'm so done with him" sabi nya at nag sindi nanaman

Tsk pambihira.

Napailing nalang ako at umupo nalang.

Dati hindi naman talaga ganyan si isay eh. Kababata ko yan at magkakasabay kaming lumaki ng ex nyang si Tyler.

By the way, I'm Blast Corpuz, 18 y/o grade 12 at yung makulit na babae naman ay si Isabella Mercedes aka Isay, half Spanish.

Kakauwi lang ni Isay galing Spain last week, ang sabi ng mommy nya dito na daw sya mag aaral para mas mabantayan sya.

Siguro may ginagawa tong kalokohan sa Spain.

At dahil Bestfriend ko sya, babantayan ko sya lagi. Nangako ako sa kuya nya na namatay 3 years ago ng dahil sa car accident.

"Huy! Tara uwi na tayo tol" sabi nya

Nag cutting kase kami. Don't get me wrong guys, normal na istudyante ako pero wala bad influence tong babaeng to at wala rin naman akong magagawa kundi sundan sya para mabantayan.

"Ikaw na, papasok ako sa last subject" sabi ko

"Okay" sabi nya

7PM na at medyo delikado dito sa school namin dahil ang daming eskinita sana okay lang sya.

Nag lakad na ko patungong classroom at sya naman ay umuwi na.

May bumabagabag talaga sa isip ko at parang sinasabi nito na sundan ko sya tsk.

Malapit na ko sa classroom ko ngunit lumingon ako at tumingin sa gate.

Umiling ako at tumingin ulit sa classroom ngunit tumingin ulit ako sa gate.

Classroom

Gate

Classroom

Gate

UGHHH BAHALA NA!!!!

Tumakbo ako palabas ng school para mahabol ang babaeng yun tsk!! Kahit kailan talaga.

Buti naman at hindi pa sya nakakalayo. Palabas palang sya ng eskinita.

"BOO!!!" Gulat ko

Nagulat naman sya pero balik poker face ulit sya.

"Oh? Akala ko ba aattend ka ng last subject?" Sabi nya

Hindi ako nakasagot. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba sunod ako ng sunod sa babaeng to?

Normal na istudyante ako pero nang dumating sya parang hindi na.

Parang kaya kong talikuran ang lahat parang lang sumaya.

Huminto sya sa isang maliit na tindahan at bumili ng yosi. Hindi ko na sya pinigilan kasi alam ko namang di mag papaawat yan.

Pinag masdan ko lang ang kanyang mukha ng maigi.

Di ko maintindihan kung bakit koto ginagawa lahat, ang sabi lang naman ng kuya nya ay bantayan ko sya pero it doesn't really mean na talagang mamanmanan ko sya.

I laughed silently.

Damn isay.

Masama ka sakin, masaya ako sayo.

Marlboro blueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon