8

3.3K 42 2
                                    


Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Nag paalarm ako dahil gusto kong maaga akong magising.

Ngayon ako mag tatapat kaya dapat ay presentable ako!!

Nag ayos ako at nag handa na para pumasok

=kinabukasan=k

Wala munang cutting na magaganap dahil hindi naman naga aya si isay kaya minabuti kong pumasok muna.

Naging smooth naman ang discussions ng prof namin kaso nalipad talaga ang utak ko kay isay.

Paano ko sisimulan umamin??

Hayss, bahala na. Kung ano mangyayare yun na yung mangyayare.

=lunch=

Kumakain kami ngayon, as usual naka tingin  nanaman ako sakanya habang kumakain.

Ang ganda nya talaga!

Pero this time, para bang hindi sya masigla. Parang may malalim syang iniisip habang kumakain.

"Kumain kana. Titig kananaman ng titig eh" sabi nya

Kumain naman agad ako ngunit di ko parin inalis ang mga mata ko sakanya.

Ano kaya ang problema nya??

=likod ng school=

Nag aya syang mag cutting. Timing pa na may quiz ako sa health wow.

Pero ewan ko ba, natutuwa ako. Nami miss ko yung pag aaya nya ng cutting sakin.

Baliw lang.

"Oh bat ka bigla nag aaya?" Tanong ko

Sabay naman kaming umupo sa ilalim ng malaking puno.

"I want tranquility" sabi nya

Huh?

"Tranquility with no side effects" sabi nya

Meron ba nun? Ang alam ko kakambal talaga ng tranquility ang side effects eh.

Pero syempre di ako mag re react! Baka ma pahiya ako ehh hahahaha.

"Para sayo..." nagkatinginan kami sa isa't isa "ano yung tranquility na walang side effects, para sayo?"

Pag nasagot nya to bilib na talaga ako sakanya.

"Di ko alam" sabi nya

Ayun. Pero bilib padin ako sayo baby girl!!

Wow baby girl.

Praktis lang hehe.

"At first I thought that there was a tranquility with no side effects" sabi nya

Ano naman kaya yun?

"Kagabi. Nanaginip ako" sabi nya habang naka tingin sa malayo.

Hindi sya masaya. Parang onti nalang iiyak na siya.

Nanahimik nalang ako at hinayaan syang mag patuloy mag kwento.

"M-Masaya daw kami ni T-Tyler" ngumiti sya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

Kumirot naman ang puso ko. Mabanggit lang ang pangalan ni tyler kaya nya maging masaya kahit na umiiyak?

Ang sakit. Yung feeling na effortless syang pasasayahin ng ibang tao kahit sobrang lungkot nya na.

Hinihiling ko na sana ako din. Mapasaya ko din sya. Kahit hindi na ako ang piliin nya.

"And everything in my dreams were damn perfect. Lahat ng inaasam ko nangyayari don. In my dreams I felt wanted."

Wanted?

Anong ibig nyang sabihin?

"Sabi ko sa sarili ko, what if matulog nalang ako habang buhay? It will be a tranquility at walang side effects kasi tulog ako maganda ang mga nangyayari. I don't have to worry anything" sabi nya

Damn. Ng dahil lang napanaginipan nya si Tyler ay ayaw nya nang gumising??

"But then, a nightmare came" sabi nya at nabura ang mga ngiti sa mga mata nya "nawala daw ang special na tao sa buhay ko" sabi nya

Di na ko nag abala pang mag tanong kasi alam ko naman na si Tyler yun.

"It was just a dream and I know it's not true pero nakakatakot hahaha so nagising ako. Napaisip ako na pano kung nag decide agad akong matulog habang buhay? May bangungot na darating na kailangan kong harapin kasi hindi ko na kayang wakasan sa pamamagitan ng paggising—"

"Pero di naman totoo eh" sabi ko at napatingin sya sakin, sobrang sakit ng nararamdaman ko damn. "Babangungutin ka pero di ka magigising. Atleast alam mong hindi totoo kasi wala kana sa realidad"

She smiled. "Yun nanga eh. May side effects parin. Alam mo ngang hindi totoo pero uulit ng uulit o dadagdag payan pag pinili mong matulog habang buhay, pero pag nanatili ka, kaya mo pang pigilan ito sa pamamagitan ng pag gising. Hindi ka matatahimik habang buhay kung tatakasan mo ang realidad, Blast."

Sabagay

Parang droga at alak,

Takbuhan ng karamihan pag may problema. Akala ng karamihan ito ay tranquility na walang side effects yun pala meron. Pilit nilang tinatakasan ang realidad sa pamamagitan ng pag ha-hallucinate. Tinatakbuhan nila ang realidad ng gagong mundo pero masakit talaga ang realidad, ang mas malala pa ay kakampi nito ang walang katapusang problema. Hahabulin at hahabulin ka ng problema sa pamamagitan ng pag dadagdag nito at bigla bigla kanalang masasampal ng realidad.

Marlboro blueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon