10

2.9K 29 3
                                    


Tahimik.

Tanging tunog lamang ng hangin ang aking naririnig ngayon.

Nasa likod kami ng school dahil nag aya ng cutting si Isay.

Nakahiga lang sya at naka titig sa langit samantalang ako di mapakali, gustong gusto ko mag sulat sa diary ko kasi dinala ko ito.

Habang tinitignan ko ang perpekto nyang mukha, biglang nag vibrate ang aking cellphone kaya tinignan ko ito.

Kier: pre. Hinahanap ka ni prof lagot ka.

Sabi ni kier. Nag panic naman agad ako kaya kinuha ko agad ang bag ko kahit di pa ito naka sara ng maayos.

"San ka pupunta?" Tanong ni Isay

"Sa classroom hinahanap daw ako ni prof" sabi ko at umalis na

Kabado na talaga ako at baka ma drop out ako. Ilang cutting na ang ginawa ko kasama si Isay kaya hindi malabong mangyare iyon.

"Mr. Corpuz, anong nangyayari saiyo? Dati ay hindi kanaman ganto. Konti nalang ay ido-drop na kita sa subject ko" blah blah blah ang dami daming sinabi ng prof namin

Wala naman akong pake. Desisyon ko ang lahat ng ginagawa ko.  Wala akong sisisihin kundi sarili ko.

Ang importante, masaya ako.

"PROF PROF MAY HINIMATAY NA BABAE SA FIELD!!!" Sigaw ng kaklase ko

Lahat ng nasa classroom ay nag panic. Tsk lahat naman kasi chismoso at chismosa.

Wala akong pake, babalik na ko kay Isay.

Pag labas ko ng classroom halos lahat ng istudyante ay naka focus ang tingin sa pasyente. Tsk chismis.

Bumalik na ako sa likod ng iskwelahan ngunit wala na doon si Isay.

Umuwi na kaya yon?

Naglakad pa ako ng kaunti at parang may natapakan ako.

Hala!! Ang diary!! Naiwan ko ang diary, hindi kaya nabasa ni Isay ang laman ng diary ko?!

*kringg~

Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko ito, unknown number eh.

"Hello, sino to?" Panimula ko

"Si tyler ito. Kamusta si Isay? Saang hospital kayo?!" Kinakabahan nyang tanong

Hospital??? Hindi kaya...

SHIT!

=bahay ng mga mercedes=

Pumasok agad ako sa bahay nila isay, halos lahat ng nandito ay nag papanic.

Iyak naman ng iyak si manang lucia. Ang personal maid ni Isay.

"Juskooo iligtas nyo po si Isay" umiiyak sya at nananalangin sa altar habang may hawak na rosario

"Manang" sabi ko at inalalayan ko syang tumayo.

"Iho" umiiyak na sabi ni manang

Nanghingi ako ng tubig sa iba pang kasambahay at ipinainok ito kay Manang Lucia. Kahit papaano ay kumalma sya.

"Ano po bang nangyare kay isay?"

Tumingin sya sakin at kitang kita ang pamumugto sa kanyang mata.

"Hindi mo alam? May lung cancer si Isay. Matagal na"

Marlboro blueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon