Liham

2.9K 40 1
                                    


Nasa kwarto ako, nakatulala tila bang patay na patay ako sa loob pero buhay ako sa labas.

Wala na akong maramdaman.

Wala na ako luhang mailalabas. Ang sakit, sobra. Puso ko nalang yung umiiyak para sa mga mata ko.

Hindi ko matanggap.

Yung maganda nyang mukha. Yung maganda nyang ngiting abot hanggang tenga. Yung pambabara nya. Yung pag aaya ng cutting. Yung pag yoyosi. Yung pag hikbi nya. Yung pag tatago nya ng kalungkutan nya gamit ang pekeng ngiti.

Hindi ko na ulit masisilayan.

Kasi wala na sya.

Hindi ko na sya kailanman makikita.

Hindi kagaya dati. May pag asa pa talaga kaming mag kita.

Kinuha ko ang diary at binuksan ko ulit ito ngunit nagulat ako na may na hulog na isang liham.

Kinuha ko ito at binasa.

Blast,

Kapangalan mo pa talaga ang paborito kong yosi no? Hahahaha.

Sinusulat ko ang liham na to dahil maaring bukas o mamaya ay pwede akong mawala sa mundong ito.

Nabasa ko lahat ng isinulat mo sa notebook na ito. Hindi aakalain may isang tao palang kailangan din ako.

Buong buhay ko gusto kong maramdaman na may nangangailangan saakin. Na may gustong gusto sa presensya ko yung tipong makikita lang nila ako ay masaya na sila.

I'm a walking disaster kaya walang may natutuwa sa presensya ko. Even my mom. Namatay sa car accident si Dad at si kuya ng dahil sakin. I was really drunk that time at naka sira ako ng private property. Nag panic sila kaya binilisan nila ang pag papatakbo ngunit nabangga sila at namatay.

Simula noon, kinamumuhian na ako ng mommy ko kaya ipinadala ako sa Spain at doon ako nag simulang mag yosi. Noong una ubo ubo pero habang tumatagal kumakalma na ko at nagugustuhan ko na ito. Hindi ko tinitigilan ang pag hithit hanggang sa maging okay na ako kaya ang dami dami kong na hihithit sa isang araw.

Kung may feelings lang siguro ang yosi masasabi kong sobrang sakit ang mararamdaman nila dahil lagi silang ginagamit.

Gusto ko nalang maging yosi, para kahit papaano ay may kwenta ako. Kahit papaano may natutulungan ako kahit panandalian lang. gusto kong gamitin din ako kasi wala na talaga akong silbi.

Nalaman ko nalang bigla na may lung cancer ako last last year. Ng dahil don, tinodo ko pa ang pag hithit ng yosi hanggang sa na hospital ako. Galit na galit non si mama sakin dahil puto perwisyo ang dinala ko sakanya. Ng dahil sakin, napabayaan nya ang companya at na bankcrupt ito.

Lagi akong mag isa sa hospital, walang bumibisita tanging nurse lang.

Na discharged ako sa hospital at nag desisyon agad na umuwi ng Pinas dahil dito ko gustong mamatay.

Itinodo ko pa ang pag yoyosi kahit na pinigilan mo ako. Nararamdaman ko naman na parang mahalaga ako sayo at nakakapanibago kaya inisip ko na baka dahil lang sa utos ni kuya kaya ka ganyan sakin, nag kakamali pala ako.

Sa mga oras na mag kasama tayo, nabubuhayan ako at nag kakaroon ako ng rason para lumaban muli kaya itinigil ko ang pagyoyosi.

Naalala mo yung umabsent ako? Iyon yung araw na may napanaginipan akong maganda, hindi ako nagising non buong araw hanggang sa kinabukasan binangungot ako.

Nawala ka daw ng tuluyan sakin.

Hindi ko alam pero pinilit kong magising non, nakita ko si manang lucia sa tabi ko na umiiyak sa tuwa dahil nagising na daw ako.

Ako nalang mag isa dito dahil umalis ka, ang shunga mo. Naiwan mo yung diary mo!

Nalungkot ako dahil may isang tao nanaman ang napahamak ng dahil saakin at ikaw yon, ang taong pinakamamahal ko.

Sana wag kang mapagod saakin, mahal na maha

Putol na ang huling letra na isinulat nya. Umiiyak ako ngayon.

Hindi ko manlang nasabi sakanya kung gaano ko sya kamahal.

Napakadaya ng tadhana. Hindi ko manlang nahagkan sa huling pag kakataon ang babaeng mahal ko bago sya namatay.

Marlboro blueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon