3

10K 49 0
                                    


Gabi na

Di parin ako makatulog kakaisip sa mga pinag gagagawa kong katarantaduhan ng dahil lang sakanya.

Buong tropa ko ay may bisyo ako lang yung wala at kahit anong pilit nila ay di nila ako ma impluwensyahan pero si isay...... kakaiba sya.

FLASHBACK

Ako ang susundo kay isay ngayon sa airport. Busy ang mommy nya eh at paniguradong mumultuhin ako ng kuya nya pag di ko sya na sundo.

May hawak hawak akong banner na may nakalagay na 'ISAY PANGET'.

Shet nakakangawit mag hawak ng banner, asan naba kasi ang babaeng yon??

Habang nag hahawak ng banner, may napansin akong isang babae.

Hmmm medyo matangkad (siguro dahil may heels) wavy ang buhok at kulay brown tsaka maganda ang pangangatawan.

Unti unting tinanggal ng babae ang kanyang salamin at tumingin sakin—sa banner pala.

Wait, don't tell me?!

"BLAST!!!!" Sigaw ng babae na si ISAY pala.

What the —okay hindi namang malabong maging ganyan sya kaganda malamang!! May lahing espanya yan eh.

Pero iba yung ganda nya ngayon. Nagustuhan ko din si isay date pero di natuloy dahil nag paraya ako kay Tyler.

Niyakap nya ako at ako namang si tanga ay hindi makagalaw, parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko.

Ako ba si thor?

"Oh bat tulala ka dyan? Ganda ko noh??" Sabi nya

Umayos agad ako "h-hindi ah! Kapal mo!" Sabe ko at inayos ko na agad ang mga bagahe nya.

Nasa shot gun seat sya ngayon at ako naman ang nag da drive.

Nakatingin ako sakanya at sya naman ay nakatingin sa paligid.

Gumanda talaga sya lalo at kuminis din. Cute parin sya hahaha kaso napaka classy nya tignan ngayon.

"HEY MAY TRUCK!!" Sigaw nya

Naalarma naman agad ako at pumreno.

Ayan nauntog tuloy si isay tsk!!!

Binusinahan naman kami ng truck driver kaya ibinaba ko ang side mirror ko.

"SA SUSUNOD WAG KAYO TANGA TANGA HA?!"

Galet na galet gusto manaket?

Hinayaan ko na lang ang driver at tsaka patuloy na nag drive.

"Suss wala ka pala ehh tanga ka pala ehh payag ka non???" Panunukso sya

Tsk hahaha di talaga sya nag bago.

"Oh wait let's stop there" sabi nya sabay turo sa maliit na tyangge.

Bumaba kame sa kotse at bumili sya.

Akala ko kung ano binili nya yun pala yosi.

Tsk natuto syang mag yosi sa Spain?

"Hoy hoy ano yan??" Tanong ko

"Duh. marlboro blast" sabi nya at sumindi

"Hoy wag kanga mag yosi papagalitan ako ng kuya mo eh" suway ko

"He's dead, so what's your point?" Sabi nya at umirap. "Don't tell me....you haven't tried smoking yet?" Sabi nya na tila bang di kapani paniwala

"Hoy mukha lang akong adik pero di ako nag yoyosi" sabi ko

"Hahahahaha hindi kanaman mukhang adik eh, ang pogi mo na kaya ngayon" sabi nya

Medyo natigilan ako don ah.

Bigla nya namang kinuha ang isang stick ng yosi at inabot sakin "here, try it"

"Tigilan moko isay"

"Pleasseeeeeee" sabi nya at nag puppy eyes pa

Wengya!! Anong gagawin ko?

Paulit ulit kong tinignan ang yosi at ang cute nyang mukha ng haloss tatlong minuto.

Ughhhh!!!

Kinuha ko ang yosi, sinindihan nya ito.

Unang hithit ko palang ay napaubo na agad ako, malamang! Hindi ako marunong eh.

"HAHAHAHAHAHAHA" halakhak nya "akin nanga yan" sabe nya at sya na mismo ang humithit

"Hoy! Chainsmoker ka ha" suway ko

"Whatever"

"Bakit kaba nag yoyosi?? Alam mo, luge ka dyan eh well actually lahat naman ng tao luge sa yosi kase wala kanangang mapapala, mabigat pa sa bulsa" sabi ko

Bumuga sya at tumingin sakin na may makahulugang ngiti.

"Mali ka, yosi ang lugi sa tao. Naaalala lang ng tao ang YOSI pag may mabigat na pinag dadaanan. Hihithitin nila ang yosi hanggang sa maubos ito. Pag naubos na, itatapon nila sa lupa at tatapakan lang at uulit ulitin nila yon hanggang sa maging okay sila then ang ending? Ayun masama parin ang yosi"

Marlboro blueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon