9

2.9K 30 0
                                    


Heto nanaman ako.

Hindi nanaman ako makatulog ng dahil kay isay. Hindi ko na naipagpatuloy ang plano kong magtapat at manligaw dahil halata naman sa mga mata nya na malungkot pa sya.

Gusto ko munang maghilom ang mga sugat sa puso nya bago ko sya mahalin para naman buo ang maaaring ibigay nya sakin na pag mamahal.

Ganon naman diba? Kailangan buo ka muna bago mag mahal.

1am na at hindi parin ako makatulog kaya napagisipan kong kunin ang isang malaking kartin na nasa ilalim ng kama ko.

Karton na puno ng mga alala namin ni isay bago sya pumunta ng Spain noon.

Puro laruan tsaka mga ipit ni isay ang nandito.

Naaalala ko nung mga bata pa kami. Masaya kaming nag lalaro at tila bang walang problema.

Ang swerte ni Tyler. Buong buo si Isay nang simula syang mahalin nito dahil walang bahid ng sakit o kung ano mang kalungkutan ang nasa puso ni Isay.

Gusto ko na isay simula pa noon ngunit ramdam ko rin naman na gusto nya si Tyler kaya hinayaan ko nalang.

Baka balang araw, pag iniwan sya at maging malungkot, ako naman ang piliin nya.

Ngunit hindi. Si Tyler parin ang pipiliin nya kahit magunaw pa ata ang mundo at kailangan ko itong tanggapin.

Napabuntong hininga nalang ako at bigla ko na lamang natagpuan ang luma kong diary.

Si Isay lang naman ang laman nitong diary na to at medyo konti lang ang sulat.

Ipag patuloy ko kaya?

At dahil hindi ako makatulog, pagpapatuloy ko nalang ang pag susulat dito.

Isay,

Ilang taon na ang lumipas ngunit ikaw parin pala. Nakakatawa no? Akala ko dati puppy love lang talaga yun dahil bata palang tayo.

Ngayong bumalik kana, napagtanto kong hindi pala puppy love iyon.

Alam kong marami kang pinag daraanan na hindi ko alam kasi halata naman sa mga mata mo na sa kabila ng ngiti mong matatamis ay may tinatagong kirot. Anong nangyari sayo isay?

Hindi naman ako masamang estudyante pero ng dahil sayo, nagiging masama na akong estudyante. Wala naman akong pake kasi gusto ko kasama kita.

Gusto kong ako ang maging dahilan ng pag ngiti mo ulit. Gusto kong ako ang maging dahilan ng paghilum ng puso mo. Gusto kong sumaya ka kahit di mo na ako piliin.

Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko ulit, Isay. Sobrang lungkot ng mundong ito kung walang isay.

Kailangan ka ng puso ko dahil sumasaya lang ito pag andyan ka. Kailangan kita and gusto kita.

Mahal na mahal kita, Isay.

Iyong na ang huli kong isinulat at natulog na lamang ako.

Marlboro blueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon