Chapter 4. Coldest Princess

160 17 0
                                    

IV. Coldest Princess

I walked without thinking, I don't even know kung saan siya hahanapin. Where did she take her break? Arrg, ang engot ko talaga. I guess I'll go to cafeteria instead, baka andun rin siya.

I go to the cafeteria and saw Kenji and his two boy friends with him. Kinawayan ko sila at sinenyasan ako ni Kenji na lumapit.

Andaming matang nakatingin sa'kin, girls are drooling and boys is pissed, I guess madaming naiinis sa'kin dahil nasakin nanaman lahat ng atensyon.

First of all 'di ko naman kasalanan na ma reincarnate akong gwapo like duh. Pagsisipain ko kayo dyan ih.

Lumapit ako kina Kenji at pinakilala niya sa'kin ang dalawa niya pang kaibigan. 

"Oy Yukio, si Shun at si Yuu" pagpapakilala ni Kenji sa mga ito.

"Shirogane Yukio, nice to meet you Shun and Yuu" pagpapakilala ko.
"Shun Tanaka, nice to meet you too."
"Yuu Itou, same goes for me too." sabi ng mga ito at inabot ang mga kamay nila para makipag abrasa.

Nacu-curious padin ako kung bakit takot sila ki Nakiri kaya tinanong ko sila tungkol sakanya.

"Matanong ko nga kayo kung bakit ba parang takot lahat ng nasa classroom ki Nakiri?" tanong ko sakanila at umiwas sila ng tingin sa'kin.

"Shhh! Lower your voice kapag about sakanyaaa." pabulong na sabi ni Kenji.

"Bakit ba? Me ginawa bang masama sainyo si Nakiri?" bulong ko habang naka akbay kay Kenji.

"As you can see, isa si Nakiri Hime sa pinaka maganda sa campus, at hindi lang yun. Siya din ang pinaka popular na babae rito. Hindi lang dahil sa ganda niya, matalino rin siya at palaging nasa peek ng klase, pero sa kabila ng lahat ng positive sides niya siya ang pinaka unapproachable sa buong campus dahil sa sobrang cold nito at parang walang pakealam sa lahat ng taong narito." pagpapaliwanag ni Kenji.

"At hindi lang yun, lahat ng nagtangka na manligaw at pumorma kay Nakiri ay umuwing luhaan. Ipinapahiya niya ang mga ito sa harap ng madami tao as the sign of rejection." pahabol naman na sabi ni Shun.

Kaya pala nagsitigil lahat nung pag sigaw niya, hmm. Kinakabahan na tuloy akong lumapit sakanya.

"Baka magkaroon naman siya ng excemption pag dating sa gustong mag thank you sakanya?" tanong ko sa mga ito.

"Hindi lang namin alam, ni 'di pa nga namin nakakausap si Nakiri eh, kahit isang beses." ani ni Yuu.

Ring bells*

Tsh, tapos na ang break time 'di ako nagkaroon ng chance para makausap si Nakiri.

"Kenji, guys mauna na kayo punta lang ako sa cr." sabi ko kina Kenji.

"Oh sige, bilisan mo lang masama magalit yung adviser natin hahaha palibhasa matandang dalaga." ani ni Kenji.

At naglakad na'ko papunta sa cr, buti nalang tanda ko pa ang mga building dito sa school, wala naman kasing pinagbago sa lugar na'to.

Pagka pasok na pagka pasok ko palang sa cr ay may naramdaman kaagad akong bagay na dumampi sa ulo ko.

"Aray!" reklamo ko.

Pagtingin ko sa baba ay nakita ko ang lumipad na bagay na tumama sa ulo ko.

"Tabo? Saan 'to galing?" tanong ko habang nakahawak sa ulo.

Tumingin ako sa harapan ko ng makita ko si Nakiri na tila ba ay takot na takot.

"A-anong ginagawa mo rito?!" pasigaw na tanong nito.

"I-ikaw ang bakit nandito?!" pasigaw ko ring tanong.

"T..this is the girls comfort room you scum!" hiyaw niya.

Girls? Oh shit, I've entered the wrong wrong room out of habit!
Lalake na pala ako ngayon damn!

"A-agh?! Girls comfort room? Did I entered the wrong room? Haha sorry Miss, aalis na'ko. Pasensya na talaga." habang dahan dahan kong sinasara ang pinto upang maka iwas sa gulo.

I need to get out of here to get out of trouble! Shit what the hell did I've just done? Para akong manyak sa nangyareng to!

Dali dali akong naglakad papalayo ng may humila sa damit ko.

Nakiri?! Why?! Ba't niya ako sinundan?! I have a bad feelings 'bout this.

"Do you think you can get away that easily huh?!" namumulang sabi nito.

Haaa??!!

Reincarnated as the most handsome boy in classTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon