Chapter 6. Pogi Problems

143 13 7
                                    

VI. Pogi Problems 

After class ay nagpaalam ako na ako kina Kenji para dumiretso sa rooftop.

Pagdating ko sa rooftop ay nandun na at nag aabang si Nakiri, naka upo siya habang may hawak na notebook at ballpen.

"You surely take your time huh?" masungit na sabi nito.

"I'm sorry, nagpaalam pa kasi ako sa mga kaibigan ko e." sagot ko.

"I don't care about your reasons, now come here." she said while pointing her finger besides her.

"Sit" mala bossing na utos nito.

Nagmumukha akong aso rito ah.

"What did you saw?" tanong nito sakin habang iniikot-ikot 'yung bolpen na hawak niya.

"N-nothing, I saw nothing I swear." mabilis kong sagot sakanya.

"Good, now I'll just say this once. Don't tell anyone about what happened." ani nito habang naka ngiting pilit.

"O-okay." sabi ko habang tumatango.

"Forget about what happened, and don't ever think about again even in your dreams." nakakatakot na sabi nito.

Tumayo siya at dumungaw sa ground floor, she called me to look at it and,

"Nakikita mo 'yang ground floor? D'yan kita ihuhulog if you talk about what happened earlier."
pagbabanta nito.

After that ay kinuha niya na ang bag niya at nauna ng bumaba para umuwi at bumaba narin ako para umuwi, it was a very long day. Uwian na at last.

Pagbaba ko ay marami akong nakitang babae sa may gate, there are some na kaklase ko at kumpulan sila sa may gate na parang may hinihintay na dumaan.

I have a bad feeling about this, feeling ko ako yung inaabangan nila. I'm drench in sweat, tumagaktak ang pawis ko ng kinausap ako ni Nakiri. Hindi ako pwedeng dumaan d'yan, so I used the route at the back, mapapalayo pa ako ng lakad dahil sa mga babaeng 'to.

On the way home ay nag drop by ako sa convenience store para bumili ng necessities ko. Pagdating ko sa counter ay napansin ko na lahat ng tao sa store ay nakatingin sa'kin, hindi lang dahil sa gwapo ako. Meron pang ibang dahilan dahil nakangiti silang lahat sa'kin, pati mga lalake.

"Sir Pogi, ang swerte naman po ng girlfriend niyo hihi." kinikilig na sabi ni Ate na nagbabantay sa counter.

"Ha? Girlfriend? Ano pong sinabi niyo Ate? Haha wala po akong girlfriend." naweweirdohang sabi ko habang kumakamot sa ulo.

"Yieee, idi-deny mo pa Sir Pogi, tingnan mo oh binilhan mo pa ng napkin at feminine wash ang girlfriend mo, swerte niya naman. Gwapo na mabait pa."
masayang pangungulit ni Ate.

What the hell?! I bought girly stuffs without thinking! Arrg! Damn habits! Gusto ko maghukay at ibaon ang sarili ko sa kahihiyaaaaan! 

"Ahh hehe, 'di naman ate hehe kayo naman ho masyadong mapagbiro haha." pabirong sabi ko.

"Sus pa humble pa si Pogi haha oh heto na mga pinagbili mo, ingat! Hihihi." 

"S-sige ate! Thank you po." dali-daling paalam ko rito.

Nakakahiya! Gusto ko na ma dedooo!

I arrived home at last, pagpasok ko ng bahay ay nakita ko kaagad si Yuno at dali-dali kong inabot yung mga pinamili ko kanina.

"Yuno para sa'yo 'to oh. Ano yan peace offering sa nangyare kahapon. Pasensya na ah." naka ngiting sabi ko rito.

"Oy wow ah, anong laman neto?" tanong ni Yuno.

"Girly stuffs" pagod na sabi ko.

"Kuya, me sira kana ba talaga? 'Di ka nahiya pagbili mo nito?"
mapang-asar na tanong nito.

"Hindi, worth naman e kasi bati na tayo yie." gatong ko pa rito.

"Thank you Kuya! You saved me some time." nakangiting sabi nito.

Ang cute talaga ni Yuno kapag naka ngiti, hays. Buti nalang talaga worth yung kahihiyan na natamo ko kanina. 

Pagkatapos ng mga nangyare ay umakyat na'ko sa kwarto para magpahinga, humiga ako at umidlip ng saglit ng may marinig akong nagsisigawan sa tapat ng bahay namin.

"Shiroganeeee!"
"Oyyy!" 
"Notice us bae!"
sigaw ng mga tao sa labas ng bahay.

Who the hell are they?! Tsh, and here I thought makakapag pahinga na'ko psh.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko ang grupo ng mga kababaihan na nag-aabang sa'kin kanina sa may gate.

Arrrgh! Kelan ba matatapos 'tong araw na'to?!



Reincarnated as the most handsome boy in classTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon