Chapter 3. The Castle and the Princess

174 17 2
                                    

III. The Castle and the Princess

After all of those walking ay nakarating nadin kami sa palasyo na tinutukoy ni Kenji.

"Ito ba yung sinasabi mong palasyo ko?" tanong ko.

"Oo, ang classroom natin. Ang palasyo mo haha." natatawang biro nito.

Pumasok kami sa silid aralan at nagulat ako dahil andaming kumpulan ng babae ang nakatayo na tila ba'y naghihintay na pumasok ako.

"Good morning classmates!" masiglang bati ni Kenji.

"Ahhh! Goooood mooorning Shiroganeeee!"
"Girls andyan na siya!" 
"Waaaah! Ang gwapo!"
sigaw ng mga nagtitilian na babae sa classroom.

"Sigurado kaba Kenji na classroom 'tong pinasukan natin, hindi concert? Ansakit sa tenga eh" pabulong kong sabi kay Kenji.

"Hahaha! Sigurado ako haha, ito ang classroom natin, ang palasyo mo." sabi nito sabay tulak sa'kin patungo sa kababaihan.

"Enjoy Prince! HAHAHAHA" pang aasar sakin ni Kenji.

Pagkatulak sakin ni Kenji ay dagli akong dinumog ng mga babae sa room sabay yakap sa'kin ng mga eto..

"Waaah! Ambangoo.."
"Teka ako naman ang yayakaaap!"
magulong pagtatalo nila

'Di ako makahinga sa dami ng babaeng nakapalibot sa'kin.

Somebody help me, mamamatay ako dito grr.

"Stooooooop this nonsense commotion!" sigaw ng isang babae mula sa unahan.

At nagsitigil ang mga babae sa pangungulit, at nagsimula na silang umupo. 

Thank goodness, tumigil na sila. Just who is this girl in class? Isang sigaw niya lang ay nanahimik ang buong klase. Hmm, ah nevermind, maybe I'll thank her later for what she did. She's a lifesaver. 

Pagkatapos ng kaguluhan ay umupo ako sa bakanteng upuan sa may bandang likuran.

Katabi ko si Ms. Lifesaver, should I thank her right now or mamaya nalang kapag break time?

Makaraan ang ilang minuto ay dumating na ang homeroom teacher namin upang mag check ng attendance at mag announce.

"Is Shirogane Yukio here?" tanong ni Ma'am
"I'm here Ma'am" sagot ko.
"Nakiri Hime?" at tinawag niya ang katabi ko.
"I'm here Ma'am" sagot nito.

Nakiri Hime pala ang pangalan ni Ms. Lifesaver. Hime hmm.

Pagkatapos mag check ng attendance ay nag announce si Ma'am kung sino ang dapat maging Class Representative.

My school is a prestigious school, kaya naman ang bawat class representative na mapipili ay may libreng scholarship at may monthly allowance. Class representative is selected through a pre-examination, one representative for boys, and one representative for girls.

Ngayong highschool pa lamang ako, 'di pa marangya ang buhay namin, hindi kagaya nung 2031 na pareho na kaming may trabaho ni Yuno. Kaya naman dapat ay maging Class representative ako para hindi na mahirapan si Mama sa pagpapa-aral sa'kin.

In terms of talino, siguro meron naman ako nun haha. Class representative rin kasi ako ng girls noon. Ewan ko lang ngayon haha!

"The pre-examination will start after break, freshen up your minds. Malaking opportunity 'to para sa mga bright students. For now you may take your fifteen minute break." sabi ni Ma'am.

After the announcement ay lumapit sa'kin si Kenji.

"Tara Yukio sa cafeteria kain tayo kasama ang tropa, pakikilala kita." pag aaya nito.

"Pasensya na Kenji, may gagawin lang ako saglit. Susunod nalang ako sainyo pakatapos." 

"Ano bang gagawin mo?" tanong nito.

"Magpapasalamat lang ako ki Ms. Lifesaver este Ms. Nakiri sa ginawa niya kanina."

"S-si Nakiri?! Nonono, 'wag kang lalapit dun." nanginginig na sabi nito.

"Ha? Bakit?" naguguluhang tanong ko.

Umakbay sa'kin at bumulong sa'kin si Kenji.

"Si Nakiri ay kilala bilang Coldest Hime (Hime means princess in Japanese.), despite of her looks, she's a terror. Nobody dares to come near her or befriend with her, pero in terms of look ho-ho ang ganda niyaaa. Terror nga lang talaga." pagpapaliwanag nito.

"Okay lang, wala naman akong gagawing masama sakanya, I'll just thank her and sunod agad ako sainyo sa cafeteria." confident na sabi ko.

"Sige sige na, mauna na kami, balitaan mo'ko mamaya ha." sabi nito habang kumakaway papalayo.

"Sige." sabi ko at naglakad na'ko para hanapin 'tong prinsesa na'to.

Reincarnated as the most handsome boy in classTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon