Chapter 2. Adapting the reality

222 18 14
                                    

II. Adapting the reality

The next day.

"Yukio? Yukio?! Bumaba kana at kakain na." sigaw ni mama habang kumakatok sa pinto.

'Di ko padin alam kung ano ba ang gagawin ko sa nangyayare sakin ngayon. As for now sasabay muna ako sa flow at mag a-act bilang isang lalake.
Bumaba ako at nakita ko si Yuno, nagsalubong ang mga kilay nito ng makita ako at inirapan ako.

"Ba't parang galit na galit ka sakin Yuno?" tanong ko.

"Uso kasi kumatok sa pinto KUYA YUKIO!" mariin na sabi nito.

Tch, sungit. Nacu-curios ako sa pangalan ko ba't 'di nila maalala na ako si Rena?

"Ma? Pwede patingin ng birth certificate ko?" tanong ko habang kumakain.

"Bakit?"

"May gusto lang akong patunayan." pagyayabang ko.

Once na makita nila na ako si Rena mapapahiya kayo haha.

"Andun sa sulong sa kwarto ko kunin mo roon." 

Pagkatapos ko kumain ay pumunta ako kung saan naroroon ang birth certificate ko at kinompirma ko kung sino nga ba 'tong Yukio na'to.

"Name: Shirogane Yukio" Hmm.
"Birthdate: 06/19/2002" ka birthday ko ah.
"Sex: Male" 
Male?! Lalake na talaga siguro ako :<

Bumaba ako para magtanong ki Mama, "Ma? Anong petsa na ngayon?" 

"Katapusan ng Hunyo." 
"2031?"
tanong ko.
"Anong 2031? Ako ba'y pinag loloko mo? 2020 palang jusko!"

2020?! Eh 2031 nung nabaril ako e.
Did I go back to the past? No, I-I've been reincarnated as boy!
Reincarnation, akala ko eh sa mga palabas lang yun posible.

"Mag asikaso kana Yukio at papasok kapa, bilisan mo" ani ni Mama.

Papasok ulit ako? Bumalik ako sa 2020 which is the time nung Highschool pa'ko. 
Arrrg! I can't take this anymore, ba't pa kailangan na pumasok ulit.
 

Pumasok ako sa banyo upang maligo at paghubad ko ng damit ko at naalala ko na lalake na pala ako. 

I take my pants off while looking up.

Ayoko makita yung ari ko. Tumataas ang balahibo ko.

Habang nagkukuskos ako ng katawan eh naramdaman ko na ang ganda pala ng build up ng katawan ko as a Man. I looked at the mirror in the bath and suddenly realize na ang gwapo ko pala. Matangkad, maputi, ang tangos ng ilong, at ang kapal ng mga kilay ko. Tipong artistahin ang itsura ko, naiinlab ako sa sarili ko. Kung babae lang ako eh aasawahin ko 'tong sarili ko.

 Pagkatapos ko maligo ay nag tapis ako ng tuwalya, pag labas ko ay nag a-abang si Yuno upang sunod na maligo. Nagulat ako dahil bigla siyang tumawa.

"Ba't tumatawa ha?" tanong ko.
"Eh pano kasi yung pagkaka tapis mo ng tuwalya hahahaha!" sabi niya habang tinuturo ang dibdib ko.
"Anong mali dito ha?" tanong ko ulit.
"Ba't hanggang dibdib mo yung tuwalya eh wala kanaman yatang itinatago riyan! HAHAHA!" nakakainsulto niyang panglalait.

(>///<) - PS: blush 'to

"Trip ko'to eh!" napahiyang sabi ko sabay naglakad na'ko papuntang kwarto.

Nagbihis ako uniporme at andaming weird na gamit na nasa kwarto ko.

"Pano ba'to isuot? Grrr" gigil na sabi ko sa necktie ko.

Nagkanda sakal sakal na'ko 'di ko parin 'to nasusuot!

Ang weird na ng kwarto ko, yung closet ko puro na panlalake, at parang manyak ako na may underwear fetish kung babae ako.

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na'ko para pumunta ng paaralan.

"Ma! Aalis na'po ako." pagpapaalam ko.
"Ingat anak!" ang sabi nito.

Habang naglalakad papuntang paaralan ay napaisip ako, and I realize na ang daming pagbabago na nangyare so suddenly. Ilang beses ko nading sinapak ang sarili ko at nagbabaka sakaling magising kung panaginip lang ba ang mga pangyayareng ito, but no, this is the reality, and I must live and overcome this life.

From Shirogane Rena to Shirogane Yukio, I was 28 years old in my past life, and now I turned back from being an adult to a 17 high school boy. 

Pagka tungtong na pagka tungtong ko palang sa aming school gate ay may naririnig na'ko mga hiyawan mula sa paligid ko. Andami ring nagbubulungan, at madaming mga mata ang nakatuon sa'kin.

"Ayan na siya!"
"Ang gwapo!"
"Shirogane asawahin mo'ko!"
parinig ng mga babaeng nadaraanan ko.

"Grabe naman 'tong mga babae 'to mga haliparot!" pabulong ko.

Oshit! I don't know kung saang class ako belong. 

"Oy! Shirogane!" sigaw ng isang lalake habang kumakaway papalapit saakin.

"Oh? Ah, e" Sino nga ulit 'tong mokong na'to? I remember his face, but I don't remember his name since wala akong masyado ka close na lalake nung High school ako, kahit pala babae.
I only have few friends nung high school kasi insecure lahat ng babae sa'kin noon at 'di sila nakikisama saakin dahil nga talbog ko sila sa pagandahan haha.

"Ah? S-sino ka nga ulit? Bro?" sabi ko habang nag pi-pretend na maging cool boy.

"Aray naman, kahit name ko 'di mo matandaan haha, okay lang expected ko naman na from the most handsome boy in class, wala kang time para kilalalanin pa ang katulad ko haha." ani niya.

"Fuyu Kenji" dugtong niya sabay abot ng kamay.

"Ah, nice to meet you Fuyu." 

"Haha! I assume that we're friends now, so you can call me by my first name." nakangiting sabi niya.

"Sure! Pero paano mo'ko nakilala Kenji?" 

"Ha? Pano? Magkaklase tayo e." nagtatakang sabi niya.

"Ah gano'n ba? Haha I guess I'm still half asleep sorry." sabay kamot sa ulo ko.

"Tara na?" pag-aya niya.

"Saan?" tanong ko.

"Sa palasyo mo." ani niya.

"Palasyo? Ko?"  (-__-;)

Reincarnated as the most handsome boy in classTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon