Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman sa wikang Filipino ay karugtong o sikwel ng Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay isinulat ni Dr. Jose Rizal noong Oktubre 1887 habang siya nagpapraktis ng medisina sa Calamba, Laguna. Ito ay orihinal na nakasulat sa wikang Kastila at inialay niya sa tatlong paring martir na kilala sa bansag na Gomburza(Padre Gomez, Burgos, at Zamora).
Natapos ni Rizal ang El Filibusterismo noong Marso 29, 1891 na inilathala rin ng taon ding iyon. Isang kaibigan na nagngangalang Valentin Ventura ang nagpahiram diumano ng pera kay Rizal upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Sinasabing ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika na naglalayong magmulat sa kaisipan at mang-gising sa damdamin ng mga mambabasa upang ang hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan ay makamtan.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo
Historical FictionAng Buod ng bawat kabanata ng El Filibusterismo BY : https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-buod