Maagang nagising si Basilio. Dadalawin niya ang pasyente sa ospital ng San Juan de Dios saka pupunta sa Pamantasan para sa kanyang lisensiyatura.
Kakatagpuin rin niya si Makaraig para mangutang ng salapi na kanyang gugugulin. Ang mga naimpok niya kasi ay nagamit na niya sa pagtubos kay Juli.
Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang propesor na malapit sa kanyang loob. Tinanong siya ng propesor kung nasa piging siya kagabi. Mabuti raw at wala ito doon.
Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na umuwi na at sirain ang lahat ng kasulatang magdadawit sa kanya.
Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Anang kausap ay may ibang mga kamay na nakapangingilabot dito.
Tinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Ngunit ang sagot ng propesor ay wala raw dahil puro estudyante daw ang sangkot. Sa unibersidad daw ay nakakita ng mga paskin o paskil na mapanghimagsik.
May nasalubong silang isa pang propesor na kakilala ni Basilio. Ang sabi'y nangangamoy na raw si Kapitan Tiyago at nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.
Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Napag-alaman niya na marami raw mga estudyanteng papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, at ibabagsak sa pag-aaral.
Naalala ni Basilio ang sinabi ni Simoun na oras na sila'y itiwalag nila ay 'di sila makatatapos sa kanilang karera. Dito'y pinaghinalaan ni Basilio si Simoun na may kinalaman sa mga paskil.
Tinawag ni Simoun si Sandoval ngunit para itong walang narinig. Tuwang-tuwa naman si Tadeo dahil wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ng mga estudyanteng kasama sa kapisanan.
Si Juanito naman ay parang baliw na paulit-ulit na sinasabing wala siyang kinalaman. Saka umalis nang makitang may papalapit sa kanilang tanod.
Natanaw ni Basilio si Isagani na namumutla ngunit pinagpupuyusan ng kalooban. Ani Isagani ay hindi na daw mahalaga kung sino ang sumulat sa mga paskil dahil tungkulin ng mga pari ang alamin iyon. Kung nasaan daw ang panganib ay doon sila dumako dahil naroon ang karangalan.
Dagdag pa niya, kung ang nasasabi raw sa paskil ay kaayon sa kanilang kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat daw nilang pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan nila at tanggihan.
'Di naman sang-ayon dito si Basilio kaya tumalikod ito sa kaibigan saka umalis dahil pupunta na siya kay Makaraig para makahiram ng pera.
'Di niya pinansin ang mga senyas ng mg mga kapitbahay ni Makaraig. Nang makaharap ang dalawang tanod na beterana ay sinabi niyang naroon siya para makipagkita sa kaibigang si Makaraig.
Nagkatinginan lamang ang dalawang tanod. Saka dumating si Makaraig, ang kabo, at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig sa pagparoon ni Basilio. Inusig ng kabo si Basilio saka isinama sa pagdakip.
Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang sadya kay Makaraig. Sinabi ni Makaraig na maaasahan siya ni Basilio at kapag nakapagtapos daw siya ng pagdodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo
Historical FictionAng Buod ng bawat kabanata ng El Filibusterismo BY : https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-buod