"Saan ka pupunta, Ophelia?" Tanong ng diwatang nalipad sa likuran ko. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng matalim. Napa-atras namin ito sa ere. Napabuntong-hininga ako. Sobrang gulong-gulo ako sa mga nangyayari.
Gusto kong magluksa sa pagkawala ng pamilya ko at bayang Solaris pero dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari ay hindi ko magawa. Kailan ba ako bibigyan ng katahimikan ng diwata na ito?
"Pwede ba wag mo akong sundan?" Irita kong sabi habang naglalakad sa kawalan.
"Hindi kita pwedeng iwan, Ophelia! Hangga't hindi mo tinatanggap ang kapangyarihan ng liwanag at ako, syempre, hindi kita pweding iwan. Andito lang ako hanggang tanggapin mo ang kapangyarihan!" Sabi pa nito.
"Hindi ko tatanggapin ang kapangyarihang sumira sa pamilya at bayan ko, Kallista. Mabuti pa at humanap ka na lang ng bagong tagapaghawak ng kapangyarihan. Ayaw ko ring makisalamuha sa mga taong may kapangyarihan." Matigas kong sabi at dere-deretso sa paglalakad nang hindi ko namalayan na bangin na pala iyon.
Nanlaki ang aking mga mata at napasigaw nang tuluyan na akong mahulog. "Ophelia!" Sigaw ng diwata at agad na lumipad papunta sa akin. Biglang nagkaroon ng liwanag sa aking mga paa at dahan-dahan akong bumagsak sa lupa.
Nanginginig pa rin ang buo kong katawan sa nangyari. Napatingala ako at tinignan ang bangin na pinagbagsakan ko. Nagtaasan ang mga balahibo at nanuyo ang lalamunan ko. Sobrang taas noon at kung hindi dahil sa tulong ng diwatang ito ay baka wala na rin ako sa mundong ito.
"S-salamat." Mahina kong sabi sa diwata at unti-unting bumuhos ang aking mga luha.
"Anong gagawin ko? Ano ang dapat? Hindi ko kayang mabuhay na wala si Akisha at Inay." Naiiyak kong bulong.
"Ophelia. Gaya ng sabi ko, hindi ako ang napili ng tagapaghawak. Ikaw ang pinili ng kapangyarihan. Sayo lang lamang pwede gawin ang ritwal sa pagtanggap sa akin. Kung gawin ko man ang ritwal sa iba ay mamamatay sila dahil hindi sila ang gusto ng kapangyarihan. Tanggapin mo na ako, Ophelia. Tumatakbo ang oras." Sabi pa nito bago agad napalingon sa langit.
"Bakit?" Mahina kong tanong.
"Nagwagi ang Solarel." Bulong nito at ngumiti ng malungkot. Napakagat ako ng labi. Si Celestia ang dati niyang kahati ng eksistensya at lumipas na siya. Posible rin palang makaramdam ng emosyon ang mga diwata.
"Nalulungkot ka ba?" Tanong ko. Tumayo na ako. Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng maliit ng ngiti. Pagkapos noon ay nagsimula na ulit akong maglakad.
"Siguro. Masaya akong nagwagi ang Solarel pero malungkot ako dahil kailangan pang mamatay si Celestia. Matagal kaming nagsama simula noong maliit pa siya. Hindi ko inakalang darating ang panahong maghihiwalay kami. Pero kailangan kong isipin na para sa nakabubuti ang kanyang pagkamatay. Positibo dapat lagi ako lalo na't isa akong diwata." Kwento nito sa akin habang nakasunod pa rin sa aking likod.
"Ano yung sinasabi mo kaninang tumatakbo ang oras? Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya habang tumitingin tingin sa paligid.
Nakaabot na ako sa gubat na humihiwalay sa bayang solaris at iba pang mga bayan. Sa pagkaka-alam ko ay maaari akong abutin ng isa pang araw sa paglalakbay. Napabuntong-hininga ako. Hindi pa ako nakakakain.
"Nagwagi ang Solarel pero hindi ibig sabihin 'non na hindi na magbabalik ang kampon ng kadiliman. Kailangan mong tanggapin ang kapangyarihan upang makapagsimula ka na sa pagsasanay. Pagkatapos noon ay kailangan mong mag-aral sa pinakakilalang akademya ng Solarel, ang Solania."
"Bakit kakailanganin ko pang pumasok roon?" Tanong ko sa kanya.
Totoo ang sinabi kong ayaw kong makisalamuha ang mga may kapangyarihan. Maraming matapobre sa kanila at minamaliit kaming mga taong walang kapangyarihan. Tingin nila sa sarili nila na angat sila dahil doon. Oo, may punto naman sila at tunay ngang mas mataas sila pero hindi ibig sabihin non na may karapatan silang maliitin kami.
"Hindi ako nakakasigurado pero sa tingin ko ay ipapamana na rin ng mga magigiting ang kani-kanilang kapangyarihan. Kung mangyari man iyon, natitiyak akong estudyante ng Solania ang mga pipiliin bagong tagapagmana. maraming malalakas na estudyante ang pwedeng maging taga-pagmana. Huhusayin sila sa pag-gamit at magsasama sama sa pangalawang pagbabalik ng kampon ng kadiliman." Tumigil ito sa pagsasalita kaya naman napalingon ako. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tinignan ako sa mata.
"Ophelia, walang nakaka-alam na ipinamana ni Celestia ang kapangyarihan sa bago siya lumipas kaya naman nakasisigurado akong nagkakagulo ang mga opisyal sa kaharian. Tandaan mo, ang pagkakaroon ng lahat ng elemental na kapangyarihan ay para sa balanse ng mundong ito. Kung wala ang isa, mawawala ang balanse." Sabi niya at humigpit ng kaunti ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.
"Nabanggit mo na estudyante ng mga Solania ang magiging taga-pagmana ng kapangyarihan ng mga magigiting dahil maraming malalakas sa kanila na posibleng maging tagapagmana. Bakit ako, Kallista? Isa lamang akong normal na tao. Wala akong kapangyarihan. Hindi tumataas sa pamantayan ang pisikal kong lakas. Bakit ako ang napiling tagapagmana?" Naguguluhan kong tanong.
"Wala kang kapangyarihan?" Naguguluhang tanong rin ni Kallista.
"Akala ko alam mo na 'yon!" Mabilis kong sagot sa kanya at napailing naman ito.
"Ophelia, sigurado ka bang wala kang kapangyarihan? Nang makarating ako rito, nasunog ang lahat ng paligid mo pero bakit ikaw nandito ka pa rin? Hindi iyon dahil sa ikaw ang pinili o tagapagmana. Iyon ay dahil ikaw ay may taglay kaya ikaw ang napili." Nakakunot nitong sabi na parang hindi makapaniwalang wala akong kapangyarihan.
Totoo iyon. Sa buong buhay ko ay kahit kailan hindi ako nagkaroon ng taglay na makapagpalabas ng kapangyarihan para si Inay at Akisha. Parehas silang walang kapangyarihan katulad ko.
"Wala akong kapangyarihan, Kallista! Nahihibang ka na." Sabi ko at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko bago tumalikod at nagsimulang maglakad ulit.
"Ophelia!" Sigaw niya.
Nagulat naman ako bigla dahil lumipad siya sa aking harapan para bigilan ako sa paglalakad.
"Nararamdaman ko, Ophelia! May kapangyarihan ka."
+++
BINABASA MO ANG
Ophelia
FantasyNagsimula ang lahat sa digmaan na kinatatakutan ng lahat. Kung saan naglaban ang magigiting na bayani ng Mundong Solarel at ang mga kampon ng kadiliman na hangad lamang ng kapangyarihan at teritoryo. Sa kabila noon, nagwagi ang mga tao ng Solarel ng...